21#Secret

70 7 3
                                    

--Jana--

Kinabukasan...

Paggising ko ay naabutan ko si Kuya na naghahanda ng umalis,babalik na siya ng Mindanao,ngunit hindi lang siya ang naka impake,pati na rin sina Tita.

"Mommy!I wanna stay here kasi,ayoko ngang sumama sa Japan!akala ko ba nag usap na tayo kahapon!pag maging kami ni Jeo,wala na yung mga utang mo!"galaiti ni K.

"K,huwag matigas ang ulo. Naghihintay si Yamada sa Japan,sa kanya ako kumukuha ng pera,at isa pa,mas gusto kong maipakasal ka sa hapon kesa sa pinoy."

"Pero paano si Jeo Mom! siya ang mahal ko! siya lang!"

"Bata ka pa!magbabago pa isip mo!sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin!"

"Ayoko!"

"Ah!ayaw mo?sige magpaiwan ka dito at magutom ka!wala kang matatanggap ni isang kusing sa akin!ano?yang Jeo na yan o mamahaling damit,sapatos,alahas?"

Saglit na nag isip si K.

"Ugh!fine!!sasama ako sayo!pero babalik ako ng Pilipinas pag kaya ko ng buhayin ang sarili ko!at iiwan kita sa Japan!babalikan ko si Jeo at sa kanya lang ako magpapakasal!"

"Fine!bahala ka sa buhay mo!pero ngayon ako ang masusunod!kung ayaw mong mamulubi at pagtawanan ng mga kaibigan mo!"

"Fine!fine!ugh shit!"asik ni K,sabay labas ng pinto.

"Saan ka pupunta?!K?!"

"Magpapaalam ako kay Jeo!at sisiguraduhin kong hihintayin niya ako!para hindi siya sulutin ng mga malandi!"aniya sabay tingin sa akin.

"Tch!"angil ko.

"Jana,maiiwan ka dito mag isa,kakayanin mo ba?gusto kitang isama sa barracks pero magulo sa Maguindanao,baka kung ano pang mangyari sayo."

"Hanapan mo na ng matitirhan yang kapatid mo Kice,at mareremata na itong bahay. Hindi na rin kami babalik dito ni K. Wala na kaming pakialam dito,hindi naman amin to."

"Talaga Tita?kung tutuusin kayo ang may kasalanan kung bakit mareremata itong bahay!hindi pa yun,umutang pa kayo ng milyon sa pamilya nina Jeo!ang kapal din ng mukha niyo!"

Nasampal ako ni Tita Agnes,kung hindi humarang si Kuya baka sinabunutan niya na rin ako.

"Tita tama na.Huwag niyong hintayin na mawalan ako ng respeto sa inyo."

"Ah ganun?!ang kapal ng mukha niyo?!bakit may naitulong ba kayo nung magkasakit yung matandang yun?!wala!isinangla ko ang bahay para may pambayad sa lecheng gamot ng matanda na yun!"

"Alam ko ang lahat Tita.Kalahati ng pinagsanglaan ng bahay ang naibigay mo lang kay Lola,at kalahati nun binayad mo sa utang mo sa casino!kaya kung kapal lang ng mukha?mas makapal ka sa amin.Kaya umalis na kayo at huwag na huwag nakayong tatapak sa pamamahay na'to!"

Napasinghap ako. First time kong makitang magalit si Kuya.

"Lalayas talaga kami!bahala kayong lumubog sa putikan!mga hampaslupa!"

Umalis si Tita.

Nakita ko pa ang higpit ng yakap ni K kay Jeo,hinalikan niya pa ito  bago siya pumasok sa loob ng taxi.

Nagtama ang mga mata namin ni Jeo,pero pareho din kaming sabay na nag iwas ng tingin.

Sumama ako kay Kuya sa airport,at habang nagpapaalam siya sa akin ay unti unti ko ng nararamdaman ang lungkot.

"Jana makinig ka.Nakausap ko na si Mrs. Ong na babayaran ko ang bahay sakaling makapagloan ako. Kaya Jana,sana ingatan mo yung bahay,at huwag kang mag-alala,sabi ni Mr. Ong,sila na ang bahala sayo. Babantayan ka nila at hindi pababayaan. Susubukan ko na ring kontakin ang pinsan ni Mama na nasa Baguio baka kaku pwede nating pakiusapang samahan ka na muna sa bahay."

Crazy Little Thing called FriendZone(Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora