6#Outing

81 10 2
                                    

--------

I am starting to get conscious. Matapos ko kasing makausap si Jeo sa baba ay para akong hinahabol ng aso sa pagmamadali kong makapasok sa loob ng silid naming dalawa ni Krystal.

Hinila ko ang pink na upuan saka pumangalumbaba sa harapan ng salamin.Hinawakan ko ang pisngi,ang pulang-pula ko,para akong nakakain ng sampong sili dahil sa mga rosy cheeks ko.

Inayos ko ang buhok.

Magpabangs kaya ako?
Baka need ko na din magkilay gaya ni Krystal.
Teka nga!
Anong nangyayari sayo Jana?!

Ipinilig ko ang ulo,saka tumayo at lumapit sa bintana. Nakita ko si Jeo na lumabas sa gate namin,at mabilis akong nagkubli sa gilid ng mawari kong lilingon siya sa may bintana kung saan ako naroon.

Gumana ata lahat ng senses ko sa katawan, lalo na ang hearing sense dahil dinig na dinig ko ang usapan ni Jeo at nong matangkad na kasama nila sa bahay,Sico ata ang pangalan nun,di rin ako sure.

"Oo nga,sabi ni Kuya pwede mong isama si K at yung pinsan niya.Last week of summer na'to at babalik na kayo sa school kaya lubos-lubusin mo na."

"Ayoko nga,ikaw kaya mag invite kay K."si Jeo.

"Ako ba ang gusto nun?di ba sayo patay na patay yun?"

"Ah basta,ayoko."

"E di si Jana nalang i invite mo."

Naghari ang katahimikan.

"E....ano..hindi papayag yun."Sagot ni Jeo kalaunan.

"Bakit sinubukan mo na ba?"

"Hindi rin."

"O ba't ang advance mo?siguro may crush ka dun no kaya ka nagkakaganyan?"

"Wala ah!e parang lalaki kumilos yun,mas astig pa yun sa'kin e,hindi ko type, Sico."

Nakagat ko ang labi.E ano naman kung di niya ako type?pakialam ko?

"E bakit ano bang type mo?"

"Yung ako ang magpoprotekta Sico,hindi yung ako ang poprotektahan,sa angas kong 'to."

"E sabi mo yan ha,so okay lang sayo na maging crush siya ni Meng?"

Nagsalubong ang kilay ko.

"Si Meng?bakit napasok si Meng dito?"

"E sabi ni Meng,mas gusto niya yung ganda ng pinsan ni K,dahil simple."

"Bata pa si Meng Sico,huwag ka nga!"

"Bakit? porke bata,bawal na magka crush?"

"Hindi naman!"

"E yun naman pala e!tawagin ko na nga lang si Meng at siya ng ipapakiusap ko kay Jana."

"E di tawagin mo."

"O paparating na si K,ang future girlfriend mo."

"Ewan ko sayo,Sico."

Narinig ko na ang boses ni K,at ayoko ng marinig ang usapan nila. Umalis ako sa bintana at bumalik sa salamin,at pinagmasdan ulit ang sarili.

"Mukha ba akong lalaki?"tanong ko.

"Hindi."Sagot mula sa bumukas na pinto.

"Lola?anong ginagawa niyo po dito?"

Lumapit ako sa kanya.

Hinaplos ni Lola ang pisngi ko.

"Hindi ka mukhang lalaki,Jana apo. Sa katunayan sobrang ganda mo,yan ang mukha ko nong kabataan ko,nagmana ka sa akin,magaganda ang mga mata mo,matangos ang ilong mo, at yang manipis na labi at magandang ngiti,sa akin mo minana yan."

Crazy Little Thing called FriendZone(Completed)Where stories live. Discover now