14#Hintay

78 10 11
                                    

.....

Nasa kusina kami ni Marco at nagluluto ng pansit canton ng marinig ko ang pagbukas ng gate. Tumingin ako sa orasan na nasa taas ng flat screen Tv at napagtantong mag aalas syete na ng gabi.

Sumulyap ako kay Jeo na mahimbing ng natutulog sa sofa.

"What?"Si K ng makita ako sa bungad ng pinto.

"A-akala ko dun ka matutu----"

"Oh my gosh!!Bhe? you're here!"Maarteng bulalas ni K sabay bagsak ng mga paperbags sa sahig.

Hinalikan niya si Jeo sa pisngi kaya nagising ito.

Aray ko!ang puso ko.

"K,nandito ka na pala."Si Jeo na nakaupo na.

Yung dikit ni K kay Jeo ngayon sobrang nakakairita. Nakaangkla ang kamay sa kanang braso at may pahilig pa sa katawan ni Jeo.

Nanliit ang aking mga mata.

"Jana,kumain na tayo."Tawag sa akin ni Marco.

Umangat ang kilay ni K."Nagpapapasok ka ng stranger sa bahay na'to?my god Jana!"tumayo si K,saka namang paglapit sa kinaroroonan namin si Marco.

Nasalubong niya si K.

Bahagyang umawang ang labi ni K.

"Si-sino ka?"tanong niya,na hinead to foot pa si Marco.

"Marco."

Humalukipkip si K,sabay lingon sa akin.Nanunuya ang ngiti niya.

"Kaibigan ka ng pinsan ko?"K asked.

"Yes, we're bestfriend.I'm from Manila."

Nilingon at nang iinis na naman akong inirapan  ni K.

"So mayaman ka?"K asked.

Tumingin sa akin si Marco,nagpapasaklolo kaya nilapitan ko siya.

"Kaibigan ko siya K,sa katunayan, bestfriend ko siya."

Nang uuyam ang ngiti nito."Kaibigan?talaga?sa itsura mong yan?!huh!"

I sighed. Nag uumpisa na naman siya.

"Anyway,I guess nakilala mo na si Jeo.Bhe, come here."

Huminga muna ng malalim si Jeo bago lumapit sa amin.

Inangkla agad ni K ang kamay sa kaliwang braso ni Jeo.

"Si Jeo,my boyfriend."

Jeo looked at the side,mukhang iritable.

"Ah, boyfriend mo pala."Sagot naman ng nakangiti  ng si Marco.

"Yes.Why?"K asked.

"Wala naman.So..kain tayo?"alok ni Marco.

"Bakit?anong niluto niyo?"K asked.

"Pancit Canton."Sagot ni Marco.

"Ew,no thanks,I bought naman cake for Jeo and I,so sa inyo nalang yan.Let's go sa veranda Bhe."

Nagtungo silang dalawa sa Veranda kami naman ni Marco sa kusina.

"Okay ka lang?"Marco asked ng mapansin niya ang pananahimik ko.

"Oo naman,ba't mo naitanong?"

"Ang tahimik mo kasi,para namang hindi ka masaya na nandito na ako."

"Hindi naman,may iniisip lang ako."

Sumulyap si Marco sa pinto ng marinig ang maarteng tawa ni K.

Crazy Little Thing called FriendZone(Completed)Where stories live. Discover now