10#Hotchocolate

72 10 3
                                    

...

"Talaga bang hindi ka titigil?aahasin mo ba talaga si Jeo ha?!"

"Ano?okay ka lang K?"angil ko.

"Kaya siguro ang aga mong nagising para magpapansin sa kanya noh?"

"Wow ha?!"

"K,walang ginagawa si Jana."Saad ni Jeo.

"Wala?inaagaw ka niya sa akin!"

Susugurin na ako ni K ng pumagitna si Jeo.

"Tama na."Awat ni Jeo.

"Hindi e!ng dumating ang babaeng yan,gumulo na ang buhay ko!at ikaw inaagaw niya ang atensyon mo na dapat lang sa akin!"

"Walang inaagaw sayo,K,gad!"nagtitimping saad ni Jeo.

Bumuga ako ng hangin,nakakuyom na ang kamao ko at pigil na pigil ko na ang sariling patulan si K.

"Hindi mo na ba mapipigilan yang kati mo ha?kung malandi ka sa Maynila pwes hindi uubra yan dito!mahiya ka naman!"

"K stop!"

"Hindi Jeo!that girl must know kung saan siya lulugar!"

"Bakit? saan ba ako dapat lumugar K?wala akong inaagaw sayo!isa pa,ang bata bata pa natin.Hindi ka ba nahihiya?"

"What?!are you that stupid?paano ako mahihiya,e teritoryo ko'to!"

"E di ikaw na!ikaw na may ari ng kagubatan na'to.Sayong-sayo na,at si Jeo?sayo siya.Bakit ka ba natatakot na dumikit ako sa kanya?hindi ka ba kampante sa paniniwala mong ikaw ang gusto niya?"

"Ugh!damn you!Jana!"

Iiling-iling akong ngumisi."Jeo,itali mo yan sa beywang mo,baka makawala,makagat pa kaming mga lumalapit sayo."Saad ko sabay alis.

Hindi ko na kinakaya ang ugali ni K.Bakit ba ganun nalang siya kabaliw kay Jeo.Nakakainis na at nakakasakit na ng damdamin ang pinagsasabi niya.

Tumambay na ako sa gilid ng falls.Nakaupo sa batuhan at pinanood nalang ang pagbagsak ng tubig.Kailangan kong kumalma,dahil sa totoo lang nanginginig na ako sa inis kanina.Ayokong magkagulo dahil lang sa lalaki,at sina Tita Janice,ayokong magising sila sa kakatalak ni K.

Lumikha ng ingay ang maliit na batong pinulot ko sa gilid na tinapon ko naman sa tubig.

Kanina pa ako panay ng buntong hininga,ang ganda na sana ng umaga ko,sisirain lang ng pinsan ko,pumangit tuloy.

"Oh,okay ka lang?"napalingon ako sa nagsalita.

Si Sico lang pala.

"Oh hot chocolate."

Tinanggap ko ang tasa."Salamat."

Tumango siya at umupo sa bato saka uminom ng kape.

"Sorry nga pala kagabi."Sabi ko.

"Okay lang yun,alam ko namang hindi totoo na crush mo ako.Kuya mo na ako no."Aniya.

"Sorry talaga."

"Tss.Okay lang!narinig ko ang sagutan niyo ni K kanina.Alam mo,mahal na mahal ni K yang si Jeo."

"Halata nga."

"Kaya mahirap kalaban si K,kahit nga sa school walang ibang babaeng nakakalapit kay Jeo e."

"Pero paano naging malala ang nararamdaman niya kay Jeo?"

Huminga siya ng malalim."Magkababata sila.At si Jeo,siya ang tagapagtanggol ni K nuon."

"Bakit Sico?may nang aaway ba kay K?"

"Oo,may sabisabi kasi dito na kabit si Tita,yung mama ni K,kaya tinutukso siyang anak ng kerida at masakit yun."

Bahagya akong napanganga.Hindi ko alam ang tungkol doon.

"Kaya intindihin mo nalang ang pinsan mo,medyo hindi maganda ang pinagdaanan niya at si Jeo lang ang nakakaintindi sa kanya."

"Wala naman akong gagawin na ikakasira ng kung anomang relasyon nila Sico,at isa pa,ang bata ko pa para dyan."

"Tama,mag aral ka muna at yang lovelove,nako sa susunod na yan,hindi naman nauubos yan,tingnan mo ako,willing to wait pa rin."

Napangiti ako.

"Nice one Sico.Nice one."Sarcastic na sabi ng biglang dumating na si Jeo.

"O J?anjan ka pala."

"Tch!balik na ako."Ani Jeo sabay alis.

"Anong problema nun?"nagtatakang saad ni Sico.

Nagkibit balikat nalang ako at tinuloy na ang pag inom sa chocolate.

"Masarap?"

"Oo Sico.Salamat ha."

"Kay Jeo ka magpasalamat, siya ang nagtimpla niyan,kinuha ko lang at inunahan ko siyang ibigay sayo."

"Huh?"

Nakangiting tinanguan ako ni Sico sabay tayo.

"Mauna na ako."

"Si-sige."

Di ko maiwasang mapatitig sa chocolate.'Peace offering ba'to?'saisip ko.

Crazy Little Thing called FriendZone(Completed)Where stories live. Discover now