4-#Basketball

128 13 1
                                    

"Ma?lalabas muna ako!"paalam ko,matapos akong makapagbihis ng loose black shirt na may logo ng GSW NBA team,tinernuhan ko rin ng jersey ni Kuya na kulay black at jordan white shoes na regalo din ni Kuya sa akin.

"Jana sandali!"

Palabas na ako ng gate nun,kaya nahinto ako at napalingon kay Mama.

"Saan ka ba pupuntang bata ka?!"

"Ma,sa court lang po!"sagot ko.

"Basketball na naman Jana?!hanggang dito ba naman?bakit hindi mo nalang ako tulungang magsalansan ng mga inimpake natin at ng---Jana!!"

"Balik ako kaagad Ma!"sabi ko sabay labas ng gate.

May nakaipit na bola sa aking tagiliran habang naglalakad ako patungo sa covered court,alam kong malapit lang yun dahil nadaanan namin yun ni Mama kanina.

Natanaw ko na sina K at yung binatang chinitong kasama niya kanina,si K,nakaupo lang sa bleacher at kumikislap ang mga matang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ni Jeo.Tama Jeo ang pangalan ng lalaki.

"Luh!may bagong salta oh!"saad ng isang kalaro ni Jeo,may itsura ito,kumpara kay Jeo,maputi ang lalaki at singkit na parang may lahing intsik.

Natigil sa pag dribble si Jeo at napalingon sa akin.

May multo ng ngiti sa kanyang labi,ako naman ay nakatabingi sa kanan ang ulo,kagat ang ibabang labi.

Nag-angat ng tingin si Krystal at para akong sinasaksak sa talim ng tingin nito sa akin.

Nakamot ko ang kanang sintido at napasipol.Mukhang dragon naman tong pinsan ko,oo.

"Gusto mong sumali?"tawag ng maputing binatilyo.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanila,habang dinidribble ang bola.

Nilahad ng puting chinito ang kanang kamay niya."Marc nga pala."

Tinanguan ko lang siya."Jana."Sagot ko,sabay shoot sa bola. Pumasok agad yun sa ring.

Kinuha ni Marc ang bola sa ilalim ng ring at binalik sa akin."Si Jeo,kilala mo na siya?"ani Marc.

Saglit ko lang nilingon si Jeo na ngayon ay nasa harapan na ni Krystal at umiinom ng tubig sa mineral water.

Umangat ang gilid ng labi ko ng makitang may papunas pa ng towel ang pinsan kong si Krystal sa noo ni Jeo.Ngingiti-ngiti naman ang huli.

"Tss!"sabi ko sabay shoot ulit sa bola,ayun!pasok na naman.

"So..bagong lipat ka?"si Marc matapos makuha na naman ang bola at binigay sa akin.

"Oo."Sagot ko sabay pasa sa kanya ng bola."Shoot mo."Sabi ko.

Ngumiti siya at shi-not ang bola.Hindi iyon pumasok,kaya kamot nito ang ulong kinuha ang bola.

"Ako naman."Ani ng nagsalita sa aking likuran.

Pinasa ni Marc ang bola kay Jeo,ako naman ang pumosisyon sa ilalim ng court.

Nagtama ang mga mata namin ni Jeo.

Nagsalubong ang kilay ko.

Umangat ang sulok ng labi niya.

Bago pa man ako makagalaw ay mabilis na siyang nagdribble,sabay lay-up,at.....

"What the---"

Bumagsak ata pati puso ko dahil...

Nadaganan niya ako dahil lang sa hindi ako umalis sa ilalim ng court.

Nakakaduling ang lapit ng mukha naming dalawa.

Crazy Little Thing called FriendZone(Completed)Where stories live. Discover now