15#Promise

68 8 5
                                    

....

Nakatulog na si Marco sa bakanteng kwarto,si K naman ay mahimbing na rin sa kama niya samantalang ako naman ay nagising dahil sa malakas na ulan,na may kasamang malakas na hangin,sunod-sunod na pagkulog at pagkidlat.

"May bagyo ata."Usal ko sabay bangon at saradu at baba ng kurtina ng bintana.

Kung bukas na ang pasok namin,malamang masususpinde ang klase dahil paniguradong may mga nasira o matutumbang puno sa daan.

Bumaba ako para maibaba na rin ang kurtina sa sala,sa malas ay nadulas ako sa hagdan dahil sa malakas na kidlat at pagbagsak ng kung ano sa labas,hindi lang yun,dahil namatay din ang kuryente,kaya mas madilim pa sa future ng kriminal ang buong bahay.

"Malas naman oh....aray ko..."daing ko habang tumatayo.

Natakpan ko ng mga palad ang tenga ng muli na namang kumidlat at may kung ano ng kumalabog sa bubong.

Lord naman!peace tayo!peace----aahhhhh!

"Jana!Jana ako 'to!"

Para akong nakakita ng multo ng mawari kung sino ang nasa harapan ko.

"Jana---"

"Ano ka ba?!ginulat mo naman ako Marco!"galit kong saad.

"May bumagsak kasi sa bubong kaya nagising ako."explain niya.

Yun pala yung ingay sa bubong kanina.

"Nga e... sakit ng balakang ko."

Inalalayan niya akong makaupo.Hawak niya ang cellphone niya na nagbibigay ng kunting liwanag sa paligid.

"Saan ba kasi ang masakit?"tanong niya ulit.

"Yung balakang ko nga. Bumagsak ako e."

"Hindi ka naman kasi nag-iingat,ayan tuloy."

"Naninisi?"

He smiled."Hindi naman,nag-aalala lang."

"Tch!"huminga ako ng malalim.Hindi lang naman kasi ang balakang ko ang problema ko,naninikip din ang dibdib ko.

Magkatabi na kami ni Marco sa sofa at parehong tahimik habang pinapakinggan ang malakas na pagbayo ng hangin at ang malalaking patak ng ulan.

"First time kong ma experience 'to."Usal niya.

"Ang alin?ang bagyo?e madalas naman tayong binabagyo sa Maynila ah."

"That's not what I mean."

"E ano?"

"First time kong makasama ka ng matagal."

Saglit akong natahimik.

Mas bumuhos ang malakas na ulan,nagsayawan na ang mga kurtina at may tubig ng pumapasok sa nakabukas na mga bintana kaya dali-dali akong tumayo.

Tinulungan na ako ni Marco sa pagsarado at pagbaba ng mga kurtina.

"Ang lakas!bagyo na ata to!"Sabi ko.

Nahirapan akong abutin ang dulong bahagi ng nakalukot na kurtina sa may gilid pinto.

"Ako na."Pumuwesto si Marco sa aking likuran at walang kahirap-hirap na binaba ang nakalukot na kurtina.

Humarap ako sa kanya,yun pala ay hindi pa siya umaalis. Dahilan para mapatingala ako at magkatinginan kaming dalawa.

"Sorry."Sabi ko,nakaramdam ako ng ilang kaya mabilis akong humarap sa pinto at kinalikot ang padlock nun.

Parang timang lang,ganern!

Crazy Little Thing called FriendZone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon