Chapter Twenty-Nine

318 30 5
                                    

"Are you up again for tomorrow night?"

"How much?" Finnegan asked as he took the cash from the man in front of him.

"Ten thousand if you lose but it doubles if you win."

"I'll take it." Aniya bago tumalikod at lumabas na sa lugar na iyon.

He went inside his car and took off his shirt.

"Fuck!" Daing niya nang maramdaman ang sakit sa tagiliran.

Doon siya tinamaan kanina ng kalaban niya sa ring. Kumuha siya ng maliit na tuwalya sa bag niyang nakapatong sa passenger's side. Pinunasan niya ang mukha na may bahid ng dugo. Putok ang kaliwang kilay niya at ang ibabang labi niya dahil sa suntok na natamo.

Tiningnan niya ang sarili sa rearview mirror upang silipin ang mga sugat niya.

"That fucker hit my face!" He mumbled. "But I did more damage to him that he won't be joining any marathon for the next five years." He smirked before getting a new shirt from his bag and then wore it.

Mayabang man ang dating pero totoo naman ang sinabi niya. Napuruhan niya ang kalaban kanina at isinugod iyon sa ospital pagkatapos. Siya na naman ang panalo sa gabing iyon ngunit hindi niya maramdaman ang kumpletong kasiyahan mula roon.

Underground fighting is one of his hobbies. Hobby that he uses as a form of distraction from his awful life. He likes to do dangerous activities that make his blood rush in excitement.

Bumuntong hininga muna siya bago niya pinaandar ang sasakyan at saka umuwi. Pasado alas onse na ng gabi nang makarating siya sa bahay. Pagkapasok pa lang niya ng bahay ay  bumungad agad sa kanya ang amang umiinom ng alak sa bar.

"Where have you been?" May galit ang tono nito? "You participated again in a fucking illegal fight?! And look at your face, are you trying to kill yourself, huh?!"

"And so what?!" Balik niya sa ama gamit ang kaparehong tono nito. "

"Aba't bastos kang bata ka ha! Sumasagot ka na ngayon?! You don't know how to pay respect-"

"Should I respect you?" Putol niya sa ama. "You don't even know the meaning of that word."

Napatayo ang ama at akmang susugurin siya ng suntok nang humarang ang kanyang ina sa gitna.

"Stop it, Eagan!" Awat ng ina sa kanyang ama. "Don't you dare hurt him!"

"You're spoiling your son too much. Look at what he has become!"

"Why don't you ask yourself why am I doing this, huh?!" Sigaw ni Finn sa ama. "You both are selfish! Mga sarili niyo lang ang iniisip niyo, so stop acting like you care! This is my life and I will fucking do whatever I want with it! To hell with you both!"

Isang nakakabinging sampal ang natamo niya mula sa inang galit na galit sa kanyang harapan. Ni hindi niya nagawang ibaling ulit ang ulo dahil sa pagkakatulos niya sa kinatatayuan. Ni minsan ay hindi siya napagbuhatan ng kamay ng kanyang mga magulang, at sa pagkakataong iyon ay sa kanyang ina pa siya unang nakatanggap.

"How dare you talk to me like that?!" Nanginginig sa pinaghalong galit at sakit ang boses ng ina. "I'm your mother, we're your parents-"

"Well, you don't act like one." Putol niya na bumaling na sa mukha ng ina.

Nang makitang umiiyak ang ina sa kanyang harapan ay gustong lumambot ang puso niya ngunit namuo na ang poot sa kanyang dibdib kaya't mabilis na niyang iniwas ang tingin rito.

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIREWhere stories live. Discover now