Chapter Sixteen

321 34 2
                                    

"Ate Lux, sobrang na-miss po namin kayo." Si Arlene na nakayakap pa nang mahigpit. "Ang tagal niyo pong hindi bumalik sa isla eh."

Tipid na ngiti lang ang isinukli ni Saph sa bata. Ala-onse ng umaga at naroon sila sa may Batangas Port, hinihintay nila ang pagdating ni Brandt. Ipinasundo lang ang mga bata at siya sa tauhan nito dahil may kailangan lang daw itong asikasuhin saglit kaya't naghihintay lang sila roon.

"Saan daw po tayo pupunta, Ate?" Si Toteng na nasa kabilang gilid niya. "Yung malaking barko po ba na yun ang sasakyan natin?" Excited nitong turo.

"Hindi ko pa alam eh. Hindi ko alam ang plano ng Kuya Finn niyo kaya hintayin na lang natin. Siya na lang ang tanungin niyo." Sagot niya sabay tingin sa relong suot.

"Hindi pa kami nakakasakay ni Kuya sa malaking barko. Sa bangka lang ni Tatay dati kapag sinasama niya kami para tumulong sa pangingisda niya." Si Len-Len na sa barko din nakatingin. "Ikaw Ate, nakasakay ka na sa malaking barko?" Tanong nito na tinanguan niya. "Eh sa eroplano po?" Muli siyang tumango. "Eh helcapter po?" Napangiti siya ng kaunti bago tumango. "Wow! Ang dami mo na palang nasakyan Ate, ang galing! Palakpak nito.

"Wag ka masyadong maingay Len-Len!" Saway ng kapatid.

"Ay sorry po." Sabay tawa. "Sana makasakay din kami ng eroplano at helcapter sa sunod. Gusto ko po makita yung mga ulap sa malapit. Malambot po ba sila na parang bulak? Gusto ko silang kainin na parang cotton candy." Na itinaas pa ang kamay at umakto na parang kumukurot sa langit para isubo sa bibig na tila ba totoong may kinakain. "Isang beses pa lang ako nakakain ng cotton candy eh, noong buhay pa si Nanay. Nabili niya sa karatig bayan para ipasalubong sa amin ni kuya. Diba, Kuya?" Baling nito sa nakakatandang kapatid.

Tumango naman si Toteng habang sa langit din nakatingin. Inosente talaga ang mga bata at mga simpleng bagay lang ang hiling upang maging masaya,  ibang iba sa mga nasa tamang edad na tulad ni Saph na hindi basta-basta nakukuha ang kasiyahan sa mundo.

"Wala pa ang Kuya Finn niyo kaya may oras pa naman para bumili ng pagkain." Aniya sabay labas ng pera at iabot kay Anthony. "May tindang cotton candy doon banda." Turo niya sa may di kalayuan na tanaw nila. "Bumili na kayo ng kapatid mo at bumalik kayo agad dito ha."

"Yehey!" Masayang talon ni Arlene na muling yumakap ulit sakanya. "Thank you, Ate. Tara na Kuya at baka dumating na si Kuya Finn." Hila sa kapatid.

Parehong tumakbo na ang dalawa para bumili. Pinagmasdan lang sila ni Saph habang nakaupo roon at wala pang limang minuto ay dumating na ang hinihintay nila.

"Sorry, we got stuck in the traffic." Paliwanag ni Finnegan.

Di nakaligtas sa pandinig ni Lux ang salitang 'we' kaya tumingin siya sa likuran nito at nakita ang isang magandang dalagita na ngumiti sa kanya.

"Hi!" Bati nito sa kanya na hindi niya sinagot at bumaling lang kay Finn para magtanong sa pamamagitan lang ng mga mata.

"This is Paulette Brandt, my sister." Pakilala ng binata sa kasama. "Letty, this is Luxury Silverio." At siya naman ang ipinakilala.

"Oh, you're Lux!" Napalakas ng sabi ng dalaga. "The one that Kuya North was talking about." Sabay tingin sa kapatid na may mapang-asar na ngiti. "He's right, you're beautiful especially if you can smile a little." Na pinakita pa sakanya kung paano siya dapat ngumiti.

"You're his sister?" Si Saph na walang ka-emo-emosyon ang mukha. "So you're the result of Finnegan's father's betrayal of his mother." Walang bahid ng hiya o kahit na anoman ang boses niya nang sabihin iyon.

Hindi naman agad nakahuma ng sagot ang dalaga at maski si Finn ay nagulat at hindi nakapagsalita sa kaprangkahan niya.

"Ahh- yeah... Y-yeah... right." Tumatango-tangong sabi nito habang may hilaw na ngiti, halatang nasaktan at napahiya.

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIREOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz