Klaire's Point Of View
Ending
★★ ★★ ★★ ★★ ★★
Nandito ako ngayon sa isang park.. kung saan ipinagtapat ko ang lahat kay Bal, noong pagpalitin nila ang katawan namin ni Klaire.
Naupo ako sa isa sa mga duyan..
At muli ko nanamang naalala iyong mga panahon na nasa katawan ako ng batang si Klaire..
Ang pagmamahal at pagaalaga ng mga magulang nila.. ang sarap sa pakiramdam na minsan sa buhay ko ay nakaramdam ako ng pagmamahal, na hinding hindi ko makakalimutan.
Napatago ako sa puno.. ng makita kung sino iyong mga dumating. Si Bal, ang asawa niya at ang anak nila..
Masayang nakikipaghabulan si Bal sa kanyang anak na hindi pa gaanong nakakatakbo ng mabilis. Tutok naman sa cellphone ang asawa nita at malayo sa kanila.
Tumalikod ako at naupo sa bermuda saka sumandal sa puno.. napahinga ako ng malalim. Mapait akong napangiti.. sana balang araw ako naman ang ngingiti at panonoorin ang aking magiging asawa at anak na naglalaro.
Napatayo ako ng biglang sumulpot sa harapan ko ang isang bata. "Shh." sabi nito habang nakalagay sa nguso ang hintuturo nito.
Napangiti ako.. siya ang anak ni Bal.
Balak ko sanang silipin kung nasaan ang kanyang daddy ng tumama ang mukha ko sa dibdib ng isang lalaki.. "ay sorry po." agad na sabi ko saka tinignan iyong lalaki.. Bal..
Ilang minuto kaming nagtitigan.. at parang kinukuryente ang puso ko..
"Bal?" pasigaw na tawag ng babae.
"Mama." sabi naman ng bata.
Lumakad na sila palayo sa akin ng muli siyang tawagin ng kanyang asawa.. pinanood ko silang maglakad palayo....
"Ako ang FIRST LOVE niya.. pero hindi ang ENDGAME."
![](https://img.wattpad.com/cover/352545406-288-k266502.jpg)
YOU ARE READING
The Royal Baby
RandomSi Klaire ay mayroong amang scientist. Siya ay may lahing pilipina at koreana. Isang pangyayari ang magpapabago ng kanyang buhay, dahil sa eksperemento ng kanyang ama. At maaari ring maging mitsa ng kanyang buhay.