TRB-C17

2 0 0
                                    

Elias Point Of View

Successful

★★     ★★     ★★     ★★     ★★

"Sana, sa susunod na buhay ko hindi na ikaw o kagaya mo ang maging tatay ko."

iyan ang huli niyang sinabi bago siya nawalan ng malay. Binalewala ko iyon at sinimulan na namin ang bagay na hindi kami siguro kung magtatagumpay kagaya ng una naming ginawa.

Labing dalawang oras kaming naghintay na matapos ang experiment. Tagumpay sana..

Ibinaba na ni Clint ang switch. At binigyan sila ng lunas upang magising sila. Ang unang nagising ay ang batang si Klaire. Successful.

Yumakap ito sa kanyang kapatid na lalaki at umiyak. Hinahanap ang kanilang magulang, tinatawag sa pangalan.

Binigyan rin namin ng lunas na pampagising ang anak ko... ngunit hindi pa rin ito gumigising.

Wala kaming nagawa kung hindi ang sumama sa mga pulis na tinawagan nila. Bago sumakay sa kotse ng mga pulis ay pinakatitigan ko iyong bahay namin. Ito ang bahay na ipinundar namin ng aking asawa bago niya kami tuluyang iwanan.

Umaasa akong magigising ka anak..

Panghabang buhay na pagpapakulong ang naging sintensya namin. Kasama ang anak ko, sinabi nilang kasabwat ang anak ko sa ginawa namin.

Mula ng makulong ako ay wala na akong naging balita sa kanya.. kung nasaan na siya. O kung nagising na ba siya.

Sana dumating ang araw na magkita pa kaming dalawa.

The Royal Baby Where stories live. Discover now