TRB-C7

1 0 0
                                    

Klaire's Point Of View

Arjo Chua

★★     ★★     ★★     ★★     ★★

Isa isa niyang binati ang nakaupo sa paikot ng lamesa, at ako hinuli niya.. "Hi, Klaire." nakangiting tawag nito.. alam niya ang nangyari sa amin ng bata!

Bakit andito siya?

"Kamusta si Stella? At ang mommy mo?" tanong ng matandang babae na may karga sa akin.

"Mabuti naman po, ako po ang ipinasama nila dahil mayroon silang importanteng aayusin sa L.A." sagit nito at naupo sa katabing upuan ni Bal.

"Naku, iyang mommy mo talaga! Manang mana sa lola mo." natatawang sabi ng mommy ni Klaire. Nagpatuloy ang kwentuhan nila.

Nagpaalam akong, aalis sandali para umihi. Nag presinta pa si Bal na samahan ako, tumanggi ako.

Pagpasok sa loob ay nag tanong ako, kung saan ang cr rito na malapit at bahagya pa silang nagulat dahil sa tanong ko..

Sinamahan ako ng isa sa mga katulong.. iniwan rin niya ako pagkahatid sa akin. Ng maka ihi ay agad akong lumabas.. at naghihintay sa akin si Arjo.. sabi ko na susundan niya ako! Tsk.

"Anong nararamdaman mo, Klaire?" tanong nito at mababakas ang pag aalala sa tono nito.

"Mabuti naman po." sagot ko, bilang bata.

"Come on, Klaire! I know it's you." sabi nito.

"Oo nga po, ako si Klaire Johnson." ngumiti pa ako bilang pag kumbinsi sa kanya. Alam niya ang kalokohan na ginawa niya!

"Hindi ganyan makipag usap ang Klaire Johnson na kapatid ni Bal!" seryosong sabi nito. Hindi ako samagot at tanging matalim na titig ang ginawad ko sa kanya. Gusto kong maramdaman niya ang galit ko!

"I'm sorry.." heto nanaman yung sorry niya! Bahagyan siyang umupo upang mag pantay kami, ngunit mas mataas pa rin siya. Pero sakto lang para masampal ko siya!

Magkakasunod na sampal ang ginawad ko sa kanya. Hindi siya nanlaban! Dahil bukod sa bata ang nasa harap niya, ay alam niya ang pag kakamaling ginawa niya!

"Wala kayong puso!"

The Royal Baby Where stories live. Discover now