TRB-C14

2 0 0
                                    

Klaire's Point Of View

The Truth

★★     ★★     ★★     ★★     ★★

Inaya ko si Bal na magpunta kami sa isang park.. dalawa lang kami.

Naupo ako sa bermuda, sa park dito sa village. Ganoon din ang ginawa ni Bal, alam ko at ramdam kong kanina pa siya nagtataka.. hindi rin ako kumikibo habang papunta kami rito.

Huminga ako ng malalim.. saka hinawakan ang kamay niya. "Bal.." tawag ko sa pangalan niya na mukhang ikinagulat niya.. ganon na lang din ang gulat ko sa sinabi niya.

"Mukhang bumalik kana sa dati, pangalan ko na ang binibigkas mo." mahinang tawa nito pagkasabi niyon, kita ko rin ang paglungkot ng kayang maamong mga mata.. pangalan.. lang?

"H-huh?" tanging naisagot ko.

"Nagulat kami na, tinawag mo akong kuya, si daddy at si mommy.." kwento nito. Ilang beses akong napapikit dahil sa sinabi niya..

"M-may gusto akong sabihin sayo, Bal.." sabi ko.. desidido na ako! Kailangan ko ng sabihin ang totoo.

"Tungkol saan?" nakangiti ngunit nagtatakhang tanong nito.

"Hindi ako si Klaire.." sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Nawala ang ngiti niya sa labi.. "Ako si... Hindi ako ang kapatid mo!" huminga ako ng malalim. "Nagkapalit kami ng katawan ng kapatid mo!" pag aamin ko. Napakunot ng husto ang noo ni Bal sa sinabi ko.

"Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong nito.

"Ang tatay ko.. ay isang baliw na scientist! Maniwala ka sa akin! Matanda na ako, hindi na bata! Pinag--" naputol ang sasabihin ko ng mag salita ito.

"Ano bang sinasabi mo? Klaire, may trauma kapa siguro kaya mo sinasabi iyan!"

"Nagsasabi ako ng totoo! Hindi ako si Klaire na kapatid mo, nagkapalit ang katawan namin, dahil sa kagagawan ng tatay kong baliw! Pinagpalit nila ang katawan namin ng batang ito!" turo ko sa katawan ni Klaire. "Patawarin moko, wala akong nagawa.. hindi ako nakalaban sa kanila dahil.. si Arjo! Malaki ang kinalaman niya sa nangyari sa amin ni Klaire!"

"Naguguluhan ako sa sinasabi mo! Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan iyang sinasabi mo! Dahil baka parte iyan ng trauma mo!" sabi nito, na gulomg gulo na ang  isip. Dahil sa sinabi ko.

"Hindi ako natrauma! Pero ang kapatid mo, oo!" sigaw ko. At doon na nagsimulang magbagsakan ang mga luha sa aking mga mata. "Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magsabi ng totoo sa inyo.... pero hindi ko na kaya! Hindi ako nakapagsalita agad.... dahil natakot ako na baka.. hindi niyo ako paniwalaan!" sabi ko at patuloy pa rin sa pag iyak. "Lagi akong nagdadasal na sana.. nasa maayos siya kalagayan! Nasa sana... hindi siya nasasaktan." hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"Kung nagsasabi ka ng totoo nasaan sila!?" tanong nito, at nakita ko ang pagbagsak ng luha sa mga pisngi niya.

"Hindi ko alam.." papahinang sabi ko. "S-si Arjo." humihikbing sabi ko.

"Bakit? Anong kinalaman niya?" tanong nito, ang maamo niyang mukha ay napalitan ng galit.

"Siya ang may dala kay Klaire habang nakakulong ako sa lab ni daddy."

The Royal Baby Where stories live. Discover now