TRB-C18

3 0 0
                                    

Maxwell Kristofferson 'bal' Johnson's
Point Of View

7 years

★★ ★★ ★★ ★★ ★★

Pitong taon na ang lumipas, matapos ang nangyaring iyon. Lahat ay ginawa ko, para maging habang buhay ang sintensya nilang lahat.

Tatlong taon na nakaratay si Klaire Wook sa isang pribadong hospital. Ng magising siya ay agad rin siyang idinala sa kulungan. Upang doon ay magbayad ng kasalanan.

Bumaba ako sa kotse at pumasok sa loob ng kulungan, kung saan nakakulong si Arjo. Ito ang unang beses na pupuntahan ko siya.

Hiwalay sila ng kulungan, baka magkaroon nanaman sila ng plano. Matatalino sila, at nakakatakot iyon kapag nakabuo sila ng plano.

"Arjo Chua, may bisita ka." sabi ng pulis saka umalis.

"Oh? Mr. Johnson?" bungad nito. Humawak siya sa bakal saka ngumisi. "Nadalaw ka?" tanong nito. Hindi ko alam ang isasagot ko. Siguro ay gusto ko lang siyang makitang nahihirapan. "Happy? Balita ko.. nakakulong na rin si Klaire ngayon. Sa isang bagay na hindi naman niya ginawa." tatawa tawa nito sabi habang napapailing. Bakit ba pilit niyang ipinagsisigawan na inosente si Klaire? Samantalang ang ama ni Klaire ay walang pakialam!

"Galing ako sa kulungan ng tatay mo, ni Clint at ni Elias Wook." panimula ko. "Gusto ko lang kayong makitang nahihirapan.. at oo masaya ako sa nakikita ko." seryosong sabi ko. Mahaba na rin ang buhok niya, mayroong na rin siyang bigote at balbas.

Malakas itong tumawa. "Eh kay Klaire nagpunta kana ba?" tanong nito habang natatawa. Ano bang nakakatawa?

"Pagiisipan ko!" tanging sagot ko saka tumalikod. Lalakad na sana ako ng tawagin niya ako. Nilingon ko siya at mayroon siyang kinuha sa loob ng unan.

"Kung sakaling puntahan mo siya, pakibigay ito sa kanya. Mensahe iyan ng tatay ni Klaire, para sa kanya." sabi nito saka iniabot iyong flash drive.

Kahit nagtataka sa bagay na iyon ay kinuha ko pa rin. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad palabas.. bago makalabas ay narinig ko pa ang sinabi ni Arjo.

"Klaire is innocent!"

The Royal Baby Where stories live. Discover now