TRB-C19

2 0 0
                                    

Maxwell Kristofferson 'bal' Johnson's
Point Of View

Klaire Is Innocent

★★     ★★     ★★     ★★     ★★

Dumiretso ako sa bahay ko, at doon pinanood iyong laman ng flash drive. Mayroong tatlong video doon, ang una kong pinanood ay iyong maikling video. Walang nakitang tao roon tanging address lang at boses ang maririnig.

"Hi Klaire. This house is for you. Hindi ito galing sa akin. Binili ito ng lolo mo para sa iyo. Dito rin nakalibing ang mommy mo."

Ibig sabihin patay na ang nanay ni Klaire.. sunod ko namang pinanood iyong video kung kung saan sinasagawa nila iyong plano nilang pagpalitin ang katawan ng kapatid kong si Klaire at ang anak ni Elias Wook na si Klaire. Hindi ako makapanilawa na magkapangalan pa sila!

May pumasok na dalawang lalaki sa loob ng isang lab.. ito yung sinunog ko! May buhat na babae si Clint, at nakasunod siya kay Mr. Wook. Walang malay si Klaire.

Ipinasok nila ito sa loob ng salamin, at ipinaupo. Isinandal ni Clint ang babae. Saka mayroong pinindot sa itaas ng salamin. Lumabas silang dalawa ni Clint ng lab hindi nagtagal ng bumalik sa loob si Mr. Wook na nagiisa. Nagising na rin si Klaire, at pilit na hinahampas iyong salamin. Salamin na parang walang pinto.

Hindi nagtagal ay may pumasok na tatlong lalaki. Ang isa sa kanila ay dala ang kapatid ko na walang malay. Inihiga nila iyon, at doon na nagsimulang magwala si Klaire dahil sa nakita niyang bata.

Lumapit doon si Arjo na tinatanggal ang mask. Hindi nagtagal ay may pinindot siya sa itaas at napuno ng usok ang loob ng salamin kung saan nakakulong si Klaire. Hindi nagtagal ay nawalan ito ng malay.

Inihiga nila si Klaire sa isa pang kama kung saan malapit sa kapatid ko. At doon sinimulan ang kabaliwan nila.

Naghintay sila ng labing dalawang oras bago ibinaba iyong switch, ganito rin ang ginawa nila nung ibalik nila sa dati ang katawan nang dalawang Klaire.

At doon na nagsimulang mag kagulo, ng dumating kami para kunin ang katawan ng kapatid ko. Nahuli kami ng dating, kung mas maaga pa sana kaming nakarating hindi sana nangyari iyon.

Pinatay ko iyong video at tinawagan si Attorney.

"Find a lawyer for Ms. Wook."

The Royal Baby Where stories live. Discover now