TRB-C1

4 0 0
                                    

Klaire's Point Of View

The Experiment

★★     ★★     ★★     ★★     ★★

Nagising ako sa lab ni daddyat nakakulong sa makapal na salamin. Wala akong makitang pinto. Nakarating na ako rito minsan, at yun ang una at huling beses na nakapasok ako rito. Walang pinagbago ang lugar na ito.

Puno ng kulungan na gawa sa salamin na isang tao lang kasya. Ang paligid ay nakakasilaw, dahil sa pader na mayroong pinturang puti. At sa mga ilaw na sandamakmak.

"Good evening, ija." napatayo ako ng mayroon akong narinig na boses, si daddy.

"Ano ito, dad? Bakit ako nandito?" naguguluhang tanong ko. Ngunit hindi niya ako pinansin.

Natatakot ako, baka kung anong gawin sa akin ni daddy. Nitong mga nakaraang ay mas lalong lumalala ang kalagayan niya. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa kanya.

Masakit para sa akin sabihin, pero pakiramdam ko nababaliw na ang tatay ko. Dahil sa mga experiment na ginagawa niya.

Sa hindi kalayuan na pinto ay mayroong tatlong lalaki na pumasok. Nakasuot sila ng tinatawag nilang lab gown, balot na balot sila mula ulo hanggang paa. Pati ang kanilang mga mata ay may salamin, ang kanilang bibig ay mayroong mask. Ang isa sa kanila ay mayroong dalang paslit na babae. Hindi ko namukhaan ang bata.

Pinaghahampas ko ang salamin, ngunit hindi pa rin nila ako pinapansin. Nauubos na rin ang lakas ko sa kasisigaw.

Bakit may bata! Bakit nila idadamay ang isang batang walang kamalay malay!? Nasisiraan na sila ng bait!

Inihiga nila ang batang walang malay sa isang kama, na mayroong mga malalaking wire na nakasalpak sa bakal na nakalagay sa gilid kama. Mayroong dalawang tv screen sa gitna, ng magkabilaang katre.

Ang kaninang nagbabadyang luha ay tuluyan ng kumawala. Agad ko iyong pinahid, ng lapitan ako ng lalaking hindi ko akalaing isa rin siyang baliw kagaya ng tatay ko.

"Hayop ka! Hindi ako makapaniwalang, baliw ka rin kagaya ni daddy!" bungad ko habang tinatanggal niya iyong mask.

"I'm sorry." sabi nito na hindi makatingin sa mga mata ko.

"Anong gagawin nyo sakin? Sa bata? Ano!" sunod sunod na tanong ko at halos pumiyok ako sa pag iyak.

"Don't worry, ija gusto lang namin malaman kung magtatagumpay ang gagawin namin. Hindi ka mapapahamak o ang bata." si daddy ang sumagot.

"Daddy bakit ako? Bakit yung bata?" tanong ko. Habang umiiyak.

"Then who?" pilosopong tanong ng tatay ni Arjo.

Mayroong pinindot si daddy sa salamin at biglang mayroong lumabas na makapal na usok mula sa itaas. Sumigaw ako ng paulit ulit, hanggang sa maramdaman ang pagkahilo at pagdilim ng paningin ko. Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

"Daddy? Asan si mommy?"

"Hindi ko alam! Lumayas na siya! Iniwan na niya ako iniwan ka niya kaya h'wag mo na siyang hanapin pumasok ka sa kwarto mo!"

sigaw nito. Nagpapakalunod siya sa alak. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito.

Tumakbo ako papasok sa kwarto, niyakap ko ang unan ko. Nasaan si mommy? Bakit niya ako iniwan kay daddy? Bakit niya kami iniwan ni daddy..

Mommy...

The Royal Baby Where stories live. Discover now