Limampo't isa

12.3K 240 9
                                    

Salamin

Nagkaroon ng kasiyahan sa loob ng resto. Halos hindi na namin namalayan na malapit na palang lumubog ang araw. Kwentuhan at tawanan lang ang ginawa naming lahat.

"Let's visit your doctor tomorrow." Bigla ay sabi ni Jaythird sa akin ng nakaupo lang kami at nakikinig sa mga kwentuhan ng mga pinsan ko at pinsan niya.

Tumango ako at ngumiti. Hinaplos niya ang tiyan ko at ngumiti.

"Hindi niyo lang alam kung gaano kakulit yang si Zanie noong mga bata pa kami." Rinig kong singit ni kuya Jops. Natatawang tumango naman sina Enron at Chuck.

"Oo! Dati nga nagkacrush yan e! Tapos umiyak siya noong nagasawa ang crush niya. Teacher kasi namin iyon." Hagalpak ni Cristina na nasa tabi ni Emerald. Napailing nalang ako.

"You didn't even tell me you had that kind of experience." Bulong ni Jaythird sa tabi ko kaya napatawa ako.

"Eleven palang ako noon Jaythird. Seriously?" Natatawa kong tanong sa kanya. Sinimangutan lang niya ako kaya napailing nalang ako at niyakap siya.

Ipinatong ko ang baba ko sa kanyang balikat. "Tsaka kapag nakikipag away kami laging sumasama yan e. Siya kasi referee namin." Humagalpak sila kuya sa mga kalokohan nila.

Pati si Jaythird ay tuwang tuwa sa mga naririnig niya. "My cousin Jay too. He's the most iyakin when we're kids. He used to be our superman. May costume pa siya. Tatakbo lang ng tatakbo sa bakuran nila hanggang sa madapa." Napatawa ako sa kwento ng pinsan niyang si Jake. Napailing nalang si Jaythird.

Nagtagal pa kami doon at halos natapos narin namin ang dinner bago kami umuwi.

"Alam mo ba, akala ko ito na ang araw na pinaka malungkot na mangyayari sa buhay ko. Nagkamali pala ako." Paninimula ko ng nasa daan na kami pauwi.

"I won't let that happen baby." Ngiti naman niya at hinaplos ang braso ko.

"Ano nga palang nangyari kay Lisseth?" Bigla ay tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

"Nothing." Simpleng sagot niya. Napanguso ako at tiningala siya.

"Just tell me! Alam kong kaibigan mo siya at wala siyang makakasama bukod pa sa inyong dalawa ni Zoe. Mahal niya lang kayo kaya niya nagawa ang mga bagay na--"

"She doesn't love me. She just love herself Zanie. If she really love me she should be happy that I am happy." he cut me off. Bumuntong hininga ako.

"Ibang paraan lang naman niya ginawa ang mga bagay na ganon Jay. You should at least talk to her and forgive her." Nagtiim ang bagang niya.

"How could you just forgive her? Ni hindi siya humingi ng tawad sayo. Ni hindi niya tinanggap na hindi siya nagtagumpay." Umiling iling ako.

"Dahil gusto kong maging masaya. I want a happy and simple life.. with you. Ayokong magkaroon ng sama ng loob sa kahit na sinong tao. Maaapektuhan ang anak natin." Napatigil siya at ngumiti. Nakita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata na parang kinakausap ako.

"I'm so fucking lucky. I married a wonderful woman." Hinaplos niya ang aking pisngi gamit ang likod ng hintuturo niya.

Ngumiti ako at napapikit hanggang sa naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

"I'm lucky I have my superman." Napatawa siya ng mahina.

Nakarating kami sa flat niya ng matiwasay. Nakakapagod pero hindi ko inakala na nag iba na ang chapter ng buhay ko. Sa isang iglap nagbago na ang lahat.

Love me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon