Dalawampo't anim

8.7K 196 2
                                    

Beer

Paglabas ko ng building ay nagderetso na ako sa sasakyan ko ng naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa aking bag.

Kinapa ko iyon at nakita ang text mula kay Jaythird.

Jaythird:
My girlfriend's such a worry wart.
Be happy and smile.

Hindi ko mapigilang ngumiti. He's still the Jaythird I fell inlove with.

Ako:
Can't help it. You made me worry. Thank you for texting me.

Inistart ko ang sasakyan bago pa man umandar ay may reply na sya.

Jaythird:
Woman, don't thank me. I'm your boyfriend. That's my duty.

Halos magwala ako sa nabasa ko. Kahit walang I love you malaman ko lang na may puwang parin ako sa kanya ay masayang masaya na ako.

Umuwi ako ng bahay at nagayos. Hindi ko alam pero masaya ako ngayon. Masaya ako na kahit wala man syang maalala ay pinipilit nya paring maging bahagi ako ng buhay nya.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang oras sa wristwatch ko. Alas dos palang ng hapon kaya dali akong tumayo at bumaba ng hagdanan.

"Nay!alis lang po ako saglit punta akong office!" Sigaw ko dahil hindi ko alam kung nasaan si nanay Meli sa parte ng bahay.

Narinig kong may sinabi sya pero hindi ko na naintindihan. Dali akong pumasok sa sasakyan ko na nasa labas palang ng bahay.

Wala pang isang oras ay narating ko na ang office. Dali akong nagtungo sa head namin.

"Ma'am good afternoon." Bati ko ng makitang wala naman syang ginagawa.

"Good afternoon Miss Sebastian." Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa kaya ibinigay ko na sa kanya ang resignation letter ko.

Nanlaki ang mata nya at tinignan ako ng may tanong sa mata. "Why?" Tanong nya.

"Kasi po ma'am ikakasal na po ako." Deretso kong sagot kaya napangisi sya na parang alam na nya kung bakit ako biglaang binitiwan ang pangarap ko.

"Okay, I won't force you but if you still want to come back I will always accept you here." Ngiti nya at tumango tango pa. Napangiti ako ng malaki dahil sa kabutihan nya sa mga empleyado nya.

"Thank you ma'am, thank you so much. I'll go ahead." Tumango sya at ngumiti. Dali na akong lumabas.

pagkasakay ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Naiwan ko pala dito sa sasakyan. Kinapa ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

Jaythird calling..

Napakunot ang nuo ko. Hindi ko inaasahang tatawag sya sakin. Dinagot ko iyon.

"Hel-"

"Woman why aren't you texting me back?!" Halos ay mahulog ko ang cellphone ko sa lakas ng sigaw nya.

"Bakit? May problema ba?" Takang tanong ko.

Rinig ko ang paghinga nya sa kabilang linya. Pinipigilan nyang magalit. "You're the one wants this..this.. shit! Pero ikaw naman itong hindi nagrereply agad!" Frustrated na sigaw nya. Hindi ko na napigilang matawa.

Hindi naman pala masama ang ugali ng dating Jaythird dahil si Jaythird parin sya.

"What?! Now you're laughing?!Woman are crazy?!" pinigilan ko ang hindi matawa dahil alam kong pikon na sya.

"Sorry. Paano naman kasi possessive ka parin." Ngingiti ngiti kong sagot sa kanya. Hindi sya umimik.

"O-ofcourse not!!!" At narinig ko nalang ang tunog na nagsasabing naputol na ang linya.

Love me BackΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα