Labing-tatlo

9.4K 189 1
                                    

Kandila

"Anak! dalian mo para maabutan natin ang second mass!." Sigaw ni mama mula sa baba. Linggo ngayon at magsisimba kami. Lagi kasi siyang nagsisimba at minsan lang ako makasama sa kanila dahil sa trabaho ko narin.

"Yes ma, andyan na po!" sagot ko habang hinahanap ang kulay cream na doll shoes ko. Nang mahanap ay dali kong sinuot at tumakbo pababa ng hagdan.

"Ang ganda naman talaga ng anak ko." Ngiti ni mama ng makababa ako at yinakap siya.

"Mana lang sayo, ma." Sagot ko na ikinatuwa naman niya.

Dumiretso na kami sa simbahan. Hindi nakasama ngayon si papa at kuya dahil sa mga importanteng trabaho maaga nalang daw sila uuwing pareho para sa hapunan.

Ilang araw narin mula noong huling nakasama ko si Jaythird. Ngayon ay nasa New York siya para sa inaasikasong negosyo nila kasama si Lisseth. Kahit man ayoko ay wala naman akong magawa dahil wala naman akong karapatan sa buhay niya.

"Ma, wait lang. Kunin ko yong kandila sa sasakyan nakalimutan ko." Paalam ko kay mama nang nakaupo na kami sa loob ng simbahan.

"Sige."

Dali akong tumayo. Habang naglalakad ako papunta sa parking lot ay may nakabunggo sa akin. Halos ay sumigaw ako sa lakas niyon.

"Sorry Miss, I didn't see you." Paumanhin ng lalaking nakabangga sa akin dahil may kinakalikot sa kanyang cellphone.

"Mister sana naman ay wag kang magcecellphone kapag naglalakad ka. Kaya maraming namamatay ngayon sa mga disgrasya ay dahil dyan." Pasungit ko habang inilahad niya ang kanyang kamay para maitayo ako.

Pero tumanggi ako. Napatulala siya sa akin ng hindi ko alam. "Hello?" Tanong ko sa kanya habang pumitik pitik.

"Ah! Sorry. Ang ganda mo lang kasi." Ngiti niya.

"Sorry, pero lumang style na iyan para sa akin. Hindi porket gwapo ka e, madadala mo ako." Pagsusungit ko at tumalikod na sa kanya.

"Alam ko namang pogi ako Miss pero maganda ka talaga." Hindi ko alam na sumunod pala siya sa akin.

Hindi ako sumagot at binuksan ko nalang ang sasakyan ko para makuha na ang kailangan ko.

"I'm Sean Bass." Pagpapakilala niya. Tinignan ko lang ang kamay nyang nakalahad.

"And.. sorry for that. Hindi na mauulit ang pagcecellphone habang naglalakad ako." Ngiti pa niya. Tinanggap ko nalang. I don't wanna be rude.

"Zaniella." tipid kong sagot at linagpasan na siya.

"Magsisimba ka?" tanong niya. Sinulyapan ko lang siya na nasa likod ko pala at sinunudan ako.

"hindi ba obvious na magsisimba ako?" Wagayway ko sa kandila na hawak ko.

"Ah oo nga pala no? Hindi ko napansin e. Ang ganda mo kasi, mukha mo lang pinapansin ko." Narinig ko mula sa likuran ko ang mahinang pagtawa nito.

"Ha ha ha! Nakakakilig naman." Sarkastiko kong sagot.

"Oy totoo yun! 'To naman o." Kinakalabit niya ako sa likod ko.

"Feeling close ka agad Mister." Iritado kong saad at hinarap siya. Pinamaywangan ko siya.

"Ang ganda ganda mo talaga! Pwede mo ba akong pakasalan?" Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sorry pero hindi ako nagpapakasal sa strangers." Tumalikod akong muli at hinagilap kung nasan si mama.

Salita siya ng salita pero hindi ko nalang pinapansin.

Love me BackWhere stories live. Discover now