Apatnapo't apat

8.8K 152 1
                                    

Video

Weeks passed. At ito ang first monthsary namin mula noong tumira ako sa bahay niya. Napangiti ako ng maalala na naging maganda naman ang aming pagsasama.

Pero biglang sumagi sa utak ko ang kapatid niya. I want her to know me better.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Jez sa akin ng nakatulala lang ako sa aking inumin.

"Oo." Wala sa sarili kong sagot.

Nasa isang restaurant kami ngayon malapit lang sa flat ni Jaythird. Ayaw pa niya akong payagang lumabas kanina pero nagpumilit nalang ako dahil ayoko namang magtampo ang mga kaibigan ko.

"Bruha! Kilala kana namin." Inis na saad ni Jez ng iniikot ikot ko lang ang straw ng juice ko.

"Girls! Sorry nahuli ako." Paumanhin ni Chel na umupo sa tabi ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Oh! Anong nangyari dito?" Tanong niya kay Jez bago ulit bumaling sa akin.

"Bakit ang tagal mo?" Pagiiba ko ng tanong nila.

"Ah e kasi.. si ano.." tinaasan ko siya ng kilay.

"Kuya mo kasi e. Niyaya ako kanina na maglunch." Kinamot niya ang noo niya dahil nahihiya siya.

"Anong oras na lunch parin?" pinasadahan ko ang relo ko bago bumaling sa kanya.

"Nako ha Chel hindi ko pa nakakausap si kuya. Pag siya pinaiyak ka, itatakwil ko talaga." Banta ko sa kanya pero napatili lang siya at niyakap ako.

"Ano ba! hindi ako makahinga!" Natatawang saad ko.

"So hindi ka galit sa akin kasi gusto ko ang kuya mo?" Tanong niya kaya napatawa ako.

"Bakit naman? Ayoko lang masaktan ka." Niyakap nya akong muli.

"Love mo talaga ako!!!" Tili niya kaya sinita ko siya.

"Bunganga mo talaga Chel kahit kelan." Sermon naman ni Jez na ngayon ay kumakain lang.

"At ikaw naman Zanie, kwento!" Dagdag pa ni Jez. Napabuntong hininga nalang ako.

"Wala naman akong ikukwento e. Ikaw nga dapat dyan e." Sagot ko sa kanya. Ibinaba niya ang kanyang tinidor at tinaasan lang ako ng kilay.

"Magaling ka sa pangiiba ng topic e." Tinuro pa ako na alam na alam talaga ang ugali ko.

"Kwento!" Pamimilit niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang magkwento sa kanila.

"E gaga pala iyang hipag mo e!" Binagsak ni Jez ang kamay niya sa mesa.

"Hoy! Ano ba! Tumahimik ka nga Jez!" Mahina ngunit madiin kong sita sa kanya. Sinimangutan niya ako.

"Ano bang problema noong babaeng iyon at galit na galit sayo? Hindi mo naman tinapakan ang pagkatao niya para tapaktapakan ka ng ganyan e." Inis na saad niya.

"Baka nabe-brain wash ni Lisseth na malandi iyon kaya ganon." Simpleng pasingit naman ni Chel habang umiinom ng juice.

Napatingin ako sa kanya dahil baka nga totoo ang sinabi niya. Napaisip tuloy ako. Hindi kaya totoong siya ang naninira sa akin?

Bumuntong hininga ako. "Hindi ko alam, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko." Malungkot na sagot ko at uminom ulit ng juice ko.

Matagal ko naring iniisip kung ano ang gagawin ko para lang mapatunayang mahal ko si Jaythird at hindi ko naman siya kayang lokohin.

Love me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon