Tatlompo

9.4K 182 6
                                    

Sinehan

Days passed and everything went well. Pumapasok si Jaythird sa trabaho at ako naman ay nasa bahay lang. Nakikipagkita sa mga kaibigan ko pag wala silang trabaho.

Namimiss ko din ang trabaho ko pero masaya naman ako dahil nandyan si Jaythird at kahit na iba naman ang ugali niya ngayon ay kontento na ako doon.

Hindi niya maamin sa sarili nya kung ano ba ako sa kanya pero hindi nya ako pinapabayaan. Ayaw nya ng commitment pero at some reason ay hindi nya ako kayang bitawan.

Naguguluhan man ako ay malugod ko paring tinatanggap iyon dahil mahal ko sya.

Nang matapos ako sa paglilinis ay dumiretso na ako sa cr para maligo. Nasa office na si Jaythird at dadalawin ko sya ngayon. Masaya akong pinagsisilbihan sya. Masarap sa pakiramdam na ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay at pag dating nya ay sabay kaming kumakain.

It felt real..

Para kaming mag asawa at masaya ako doon. Nagtagal ako sa banyo at ng matapos ay dali akong lumabas at nagbihis. Biglang tununog ang cellphone ko.

Sean:
Good day miss beautiful. Just got home from Cali. Can we meet? Missing your cuteness;)

Dali akong tumipa.

Ako:
Where's my pasalubong? i'll see you at 3. Text me the meeting spot.

Nang makabihis ako ay lumabas na ako ng flat ni Jaythird. Nagluto ako ng afritada dahil iyon ang lagi nyang sinasabi sa akin. Hindi nya alam na dadalawin ko sya ngayon.

Nang makababa ako ay nakita ko ang driver nya sa hallway at nilapitan nya ako.

"Ma'am saan po kayo pupunta? ihahatid ko na po kayo." Magalang na pahayag nya. Hindi na ako tumanggi dahil alam ko namang hindi ko sya matatakasan.

Nang nasa daan kami ay nag vibrate ang cellphone ko.

Jez:
Bruh!! Papatayin ko yang hayop na Awee na iyan! Tatanggalin ko ang itlog nya at ipapakain kay mimi.

Napailing nalang ako sa text nya. Lalo na sa ipapakain nya sa aso nya ang ano ni Awee. Kawawa si Awee murderer ang nahanap nya. Karma strikes.

Ako:
Ano ba ang nangyari?

Nagreply ako para hindi na nya ako iflood. Ganon kasi sya pag hindi ko pinapansin ang mga text nya.

Jez:
He again try to touch me!! Bakit ba ang manyak manyak ng mga kaibigan ni Jaythird?!!!

Napakunot ang noo ko. Alam ko namang may nangyari na sa kanila. At nagiinarte pa sya?

Napailing nalang ako.

Ako:
Pa-virgin. Gustong gusto naman.

Wala pang isang minuto ay nagreply sya.

Jez:
Meron ako gaga! Ano sya? Kahit red day go lang ng go? Ano to globe?!!!

Napahagalpak ako sa tawa. Bagay na bagay talaga sila. Ngayon lang sya naging ganyan. Nailalabas ni Awee ang ugali ni Jez.

Ako:
Okay lang iyan iwas dysmenorrhea. Haha labyu

Alam ko na kung ano ang hitsura nya ngayon. Baka pag nandoon ako ay nasakal na nya ako ngayon. Ibinalik ko na sa bag ko ang cellphone.

"Thank you kuya Frank." Masayang pasalamat ko sa driver ni Jaythird. Tumango naman sya. "Magingat po kayo ma'am." Sagot nya isinara ko ang pinto at dumiretso na sa building.

Dumuretso na agad ako sa elevator dahil alam naman na nila dito kung sino ako. Madalas kasi akong dumadalaw dito. Hindi man ako pinakilala ni Jaythird sa mga empleyado nya ay sapat na may nakakaalam kahit isa o dalawa.

Love me BackWhere stories live. Discover now