Labing-isa

10.1K 249 3
                                    

Bagahe

-Thank you @jeanprimacio kahit na baguhan palang ako ay nagvovote and comments ka. It really means a lot sa isang baguhang tulad ko :')

Nang mapagod kami sa pagsasayaw ay bumalik na kami sa pwesto namin. Na magkahawak kamay. Nasasanay narin ako na ganito kami ka-intimate na dalawa.

"So?Anong pakealam mo kung ayokong sumayaw?" pikon ang boses ni Jez.

"Kasi baka 'di mo alam kung paano sumayaw?" Halakhak ni Awee na parang nangaasar.

Yan ang nadatnan namin ni Jaythird sa pwesto namin. Hinagilap ko si Chel at nasa dance floor pala sya kasama ng boyfriend nya.

"Nagaaway na naman kayo?" Manghang tanong ko sa dalawa ng makaupo kami.
Pareho silang napatingin sa amin.

"Itong taong ito! akala mo kung sinong magaling!" Sigaw ni Jez habang dinuduro pa si Awee.

"Hey hey! lady magaling ako sa lahat ng bagay lalong lalo na sa kama." Kindat nya dito. Halos ay matawa kami sa naging reaksyon ni Jez.

Ngumiwi sya na parang nandidiri. "Will you two stop it. Para kayong magsyota na nagaaway." Napatawa ako sa komento ni Jaythird.

"Hoy! ito? boyfriend ko? hah! magmamadre nalang ako!"

"If i know lady in red gigil na gigil ka sa akin." Ani Awee na hindi namin mapigilan ni Jaythird ang mapatawa.

Bigla ay tumayo si Jez at hinampas ang mesa."Oo! gigil na gigil ako sayo. Gigil akong pugutan ka ng ulo."

"Saan ba? sa taas o sa baba? Talagang pinagnanasahan ako nitong kaibigan mo Zanie."

"Kahit pa uminom ka ng limang litrong alak hinding hindi ako mahuhulog sa gaya mong manyak na babaero pa!"

Umiling iling nalang ako, pati rin si  Jaythird ay napapatawa narin  sa bangayan ng dalawa. "Hmmm okay. To be more interesting lets have a bet." Kindat nito kay Jez. Napataas ng kilay si Jez. Liningon ko si Jaythird na mukhang interesado din sa gagawin ng dalawa.

"I guess we're having a new lovers here." Bulong nya sa akin. Napailing nalang ako. Ngayon ko lang nakitang kinamuhian ni Jez ang isang lalaki.

Nakayakap sya sa akin mula sa likod ko pero nakaupo parin kami. Sumandal ako sa dibdib niya at nilingon ko ang dalawang wala ng ginawa kundi magbangayan. Nakahalukipkip si Jez na nakataas parin ang isang kilay na anytime ay tatakas na iyon mula sa kanyang noo.

Si Awee naman ay nakangisi lang na gustong gusto ang nakikita mula kay Jez. Boys.

"So. Lets have a game."

"What?! ano ako bata?." Sagot naman ni Jez.

"Well Lady in red. No, you're actually grown up in a childish way." gusto ko mang tumawa sa pangaasar nya kay Jez pero minabuti ko naring manahimik.

"Ang kapal kapal mo talaga!" Halos ay lumabas na ang mga ugat ni Jez sa kanyang leeg.

"Here's the game. Maguunahan tayong inumin lahat ng 10 glass of tequila. Pero walang kamay ang hahawak sa baso. Kung sino ang talo sya ang slave sa gabing ito." Aniya. Mas lalo naman napataas ang kanang kilay ni Jez at ngumuso.

"What? Don't tell me you're afraid?" Tudyo nya dito.

"'Course not!!!" Sagot naman ni Jez.

"Okay, so let's start. Bro, ikaw ang magiging judge namin." Baling ni Awee sa kay Jaythird. Tumango nalang ang katabi ko.

Nilapag ng waiter ang dalawampong piraso ng tequila sa table at inayos ito. Magkaharap ang dalawa at nagtititigan lang na hindi naman parang nagkakapatayan sa titig pero parang iba ang nakikita ko sa kanila.

Love me BackWhere stories live. Discover now