Pang-apat

13.3K 258 2
                                    

"Photo Album"

"Zanie anak gumising kana dyan at baka malate ka sa trabaho mo." nagising ako sa katok ng aking butihing ina.

"Bababa na po ma!" Sagot ko ng kinukusot pa ang mata ko. Ang ganda ng tulog ko.

Inayos ko ang higaan ko, kahit na may kasama kami sa bahay ay pinangaralan ako ng mama na magayos parin at tumulong sa gawaing bahay. Masasabi ko talaga na maayos nya kaming pinalaki ng kuya ko. Fashion designer ang mama at lawyer ang papa ko. Ang kapatid ko ay tumulad sa ama ko na ngayon ay lawyer narin. Ako naman dati pa gusto ko ng maglibot sa buong mundo. Gusto ko nga dati maging piloto pero ni mama kaya stewardess nalang ang naging choice ko.

Palabas na sana ako ng kwarto ng tumunog ang cellphone ko. Baka sila Jez at Chel na yon kaya kinuha ko agad at binasa.

Have a lovely morning beautiful

-JZ

Unknown number ito, pilit kong iniisip kung sino ang taong nagtext sakin. Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang full name ni Jaythird. Paano niya nalaman ang number ko? dali dali ko itong nireplyan.

Jaythird? how'd you know my number?

Tumakbo na ako pababa para makapagalmusal, at hindi ko na hinintay ang reply nya. Nang makababa ako sa hagdan ay nakasalubong ko ang kuya.

"Morning my lovely sister." bati niya.

"Hey kuya, ang aga mo naman?" Nakabihis na kasi sya, samantalang ako ay kakagising palang. Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Meeting, you know your kuya is very demanding." natawa nalang kami sa asta nya.

Nagderetso na kami sa kusina at nadatnan namin ang magulang namin na nakaupo na sa hapag.

"Morning ma and pa!" Sabay naming bati  ni kuya na ikinabigla nila.

Napatawa nalang kami sa reaksyon nila at binati rin kami ng magandang umaga.

"Kamusta ang lakad mo kagabi anak?" Tanong ni papa.

"Okay lang naman po pa." sagot ko habang ngumunguya ng ham.

"Bakit? may date ba sjya at diko man lang nalaman?" Kuya glared at me. Kala mo naman isa akong teenager.

"Kuya kahit makipag date ako wala ka na dun no! Pinayagan na ako nila mama at papa na magkaboyfriend noong twenty palang ako." mas lalong naningkit ang mata nya. Umirap nalang ako.

"Well ibahin mo 'ko Zaniella Lee, hindi ka magkakaboyfriend hanggat hindi ko nakikilala yang lalaking yan." maawtiridad nyang pahayag, ito lang naman ang ayaw ko sa may kapatid na lalaking mas nakakatanda dahil masyadong protective.

"Zoren, hayaan mo nalang yang kapatid mo, she's old enough to know what's right or wrong, ang intindihin mo nalang ay ang pagaasawa mo, aba anak hindi na kami bumabata ng papa niyo, kailangan na namin ng apo." napatawa ako sa sinabi ni mama. Masyado kasing pihikan ang kapatid ko pogi naman siya, masyado lang kasing maarte.

"Oo nga naman anak, maganda naman yong anak ni pareng Miguel e, bakit ayaw mo sa kanya?" Matagal nang pinipilit ni papa si kuya na magasawa.

"Pa I don't even know her, how could I  possibly marry her?" May pagmamaktol na tono niya.

"Anak, you don't need to marry her right away, just get to know her st kung magugustuhan mo man si ya,e 'di sa simbahan na ang tuloy." paliwanag ni papa.

"I'll think about that pa." Tumayo na siya ng matapos uminom. "I have to go." Tumayo na si kuya at hinalikan na si mama at ako sa nuo. Malambing talaga ang kuya ko kahit na minsan napakaprotective.

Love me BackOnde as histórias ganham vida. Descobre agora