Apatnapo

10.5K 204 3
                                    

Lampshade

Pinanindigan kong wag siyang kausapin at pakinggan ang mga sasabihin niya.

Mabigat ang loob kong pumasok sa bahay at muling umiyak. Nadatnan ko ang mama na nasa sala habang si papa ay nasa opisina niya.

Inilahad niya ang dalawa niyang kamay sa akin para yakapin ko sya. Dali akong tumakbo sa kanya.

"Ang anak ko naman napaka maiyaking bata." Hinahagod niya ang aking likuran at hinalikan ang aking noo.

"Ayaw mo mang sabihin anak, nararamdaman ko kung ano ang pinagdadaanan mo." Hindi ako nagsalita. Ninanamnam ko ang kahit kaunting paghupa ng sama ng loob ko dahil nandyan siya para saluhin ako.

"Pag nagmahal ka.. kasama ang saya, ang pait at ang sakit. Masaya kasi alam mong nandyan siya, mapait kasi mahirap tanggapin ang mga sakit na binigay niya. Pero anak tandaan mo na lahat ng bagay ay dahilan. May mga nangyayaring mga bagay na hindi natin alam kung ano ang dahilan." Pagpapatuloy niya. Hinaplos nya ang ulo ko at muling hinalikan iyon.

"Ma, natatakot po akong malaman ang mga dahilan na iyon. Kasi kahit konti gusto kong maniwala na magbabalik siya sa akin." Hagolgol ko.

"Anak, tatagan mo ang sarili mo, kung may nagbago man ay tanggapin mo, kasi iyon lang ang makakapagpalaya sa iyo. Ang pagtanggap ang makakapag bigay sayo ng kalayaan anak. Hanggang sa tamang panahon masasabi mong maayos kana." Tumango ako kahit na nakayakap parin ako sa kanya alam kong nakangiti siya.

"Ma, ano nalang ang gagawin ko pag wala ka?" Tanong ko sa kanya. Natawa siya.

"Sinabi ko naman sayo anak. Kailangan mo ring tumayo at ihakbang ang mga paa mo. Aalalayan kita at hindi ako mawawala sa likod mo okay?" Ngiti niya ng umayos ako ng upo. Tumango ako at pinahid ang mga luhang nagkalat sa pisngi ko.

"Kausapin mo siya anak okay?" Tumango ako at tipid na ngumiti.

"I love you sweetie." Ngiti niya.

"I love you ma." Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

Matapos ng paguusap namin ni mama ay umakyat na ako sa kwarto ko.

Nakita kong umiilaw ang cellphone ko sa may kama ko. Naiwan ko pala kanina.

Nakita ko ang pangalan ni Jaythird na nakarehistro. Hindi ko alam kung sasagutin ko o hindi. Pero sa huli ay hinayaan ko lang na magsawa siya sa kakatawag.

Akala ko ay magagalit sila mama kay Jaythird pero may tiwala parin sila sa kanya. Ang kuya ko lang ang galit sa kanya.

Hindi ko alam ang gagawin ko pero kakausapin ko siya bukas. Nakapagdesisyon na akong pupuntahan siya bukas.

Kinabukasan pag gising ko ay maaga pa pala. Aagahan kong pupunta sa flat niya kasi alam kong maaga siya umaalis.

"Ang aga mo naman." Pang bungad ni kuya ng makita akong pababa ng hagdan.

"May pupuntahan lang ako kuya." Sagot ko at naglakad na.

"Hindi ka ba magbebreakfast baby?" Tanong niya. Umiling ako.

"Doon nalang kuya. See you." Hinalikan ko siya sa pisngi at daling lumabas. Hindi narin ako nakapagpaalam pa kila mama.

Nagulat pa si kuya Frank ng makita ako sa parking lot. Mukhang hinihintay niya si Jaythird.

"Good morning kuya Frank!" Bati ko sa kanya at nginitian naman ako.

Napakatahimik niya talaga minsan.

Love me BackWhere stories live. Discover now