Dalawampo't dalawa

9K 164 1
                                    

Sahig

Nagbibihis ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Hindi ako makapaglakad ng maayos. Ramdam ko kasi sa ibaba ang sakit.

"Hoy! Hindi pa kayo mag-asawa ha!mamaya nauna na ang anak nako kayong dalawa talaga!" Kilalang kilala ko kung sino iyon at ang magaling kong kaibigan lang naman.

Bumaba kasi si Jaythird dahil daw nandito si Mr. Zales at kasama ang kanyang anak na si Lisseth.

Binuksan ko ang pinto. "Hindi ba kayo lalabas? So maglalampungan nalang kayo?" Pataray na hayag nya sa akin.

"Jez nagbibihis ako at kita mong seven palang ng umaga! Grabe ka!" Linuwang ko ang pinto para makapasok sya. Naglakad ako papunta ng kama at umupo doon para masuot ang sapatos ko.

"Oh asan naman si groom?" Tanong nya ng iginagala nya ang mata sa kabuuan ng kwarto.

"Umalis sya. Nandito daw si Mr. Zales at si Lisseth yong bestfriend nya." Paliwanag ko. Naka maywang lang sya sa harap ko.

"Babae bestfriend? Nako bruha mahirap yan, baka mamaya nako nako nako!" Eksaherada nyang saad. Bumuntong hininga ako.

"May tiwala ako kay Jaythird. Ako ang mahal nya period. Kahit ayoko sa babaeng iyon basta Ako.Ang.Mahal." napailing sya sa akin.

"Tsk.tsk.tsk. pag iyang babaeng yan umeksena masasakal ko talaga sya at ilalambitin patiwarik sa Eiffel Tower." Suhestyon nya. Napatawa nalang ako.habang inaayos ang sinturon ng sapatos ko.

"Wag kang magalala Jez. I won't let her." Ngiti ko ng makatayo na ako.

Ikinawit ko ang kamay ko sa kanyang braso at lumabas na kami.

"Nasa baba na sila naga-almusal." Saad nya ng nasa tapat na kami ng elevator. Tumango ako.

"Bloomingers ka ngayon ah." Panunuya nya ng tumunog ang elevator at bumukas iyon.

"S-syempre engaged!" Naiilang na tinaas ko ang aking kamay.

"Wag mo nga akong dinadaan sa ganyan mo. If I know dahil sa nakatikim kana ng hotdog may free two eggs pa!" Siniko ko sya dahil may pumasok at may mga bata pa.

Pinanlakihan ko sya ng mga mata. "Syempre joke lang iyon." Ngiti nya. Maya maya ng bumukas na ang elevator at nakalabas na kami ay kinalabit nya ako dahil nauna ako sa kanya.

"Ano?"

"Ilang rounds?" Tanong nya na halos ay matanggal ang mga sarili kong mga mata.

"Napaka mo talaga Jez! Tahimikan mo 'ko!" Tinalikuran ko sya at nauna ng pumasok sa cafe ng hotel.

Nakita ko ang mga pinsan ko na nakaupo at kumakain.

Kumaway sila ng makita kaming palapit sa kanya. Ngumiti lang ako at dumiretso na sa pwesto nila.

"Good morning guys!" Bati ko ng makaupo na ako sa tabi ni kuya na ngayon ay nakangiti lang na kausap ni Chel.

"Morning kuya!" Pag agaw ko ng atensyon nya kaya napalingon sya sa gawi ko.

"Nako ha nakakatampo kana. Ipagpapalit mo na ata ako kay Chel." Irap ko sa kanya. Pero natawa lang sya at hinalikan ang ulo ko.

"Hindi ah! Pero dadagdag lang sya." Kindat nya sakin. Namula naman iyong isa kaya naiiling nalang ako.

"Nasaan si bayaw?" Tanong ni Enron na ngayon ay nasa tapat ko.

"Babalik sya bago tayo umalis. Nandito kasi iyong si Mr. Zales eh." Paliwanag ko. Tumango lang sya at ipinagpatuloy ang pagkain.

Kagabi pa nila pinagsasabihan ng bayaw at tuwang tuwa naman iyong isa.

Love me BackWhere stories live. Discover now