Naisip ko, malamang hiyang-hiya ang dalawang iyon dahil nalaman nilang may isang tao pala sa loob bukod sa kanila.

Well, diko na kasalanan 'yun. Pwede naman kasi sila maghanap ng lugar kung saan walang makaka huli or makakakita sa kanila.

Pero don pa talaga sa locker room nila naisipang magparaos, hayysst mga kabataan nga naman. Nakakahiya, ka edad ko pa naman din sila.

"Hello, Brando napatawag ka?"Paunang tugon ko sa pagsagot ng tawag.

["Bakla, umuwi kana dali!"]Dinig kong sagot ni Brando mula sa kabilang linya at halatang natataranta ito dahil sa tono ng ganyang pananalita.

Ako naman ay biglang kinabahan sa di malamang dahilan. Di naman kasi basta tatawag ang lalakeng ito kung hindi importante.

"Bakit? Anong problema?"Nagtatakang tanong ko.

["Si...si kuya Ahmon kasi, basta mahabang kwento bakla. Kaya magmadali ka nang umuwi, kanina pa umiiyak si lolabels. Dalian mo."]

Pagkarinig ko non ay kaagad akong lumiko sa isang hallway patungong restroom at doon nalang magpalit ng damit.

Dahil nasusuka na talaga ako sa amoy na nakadikit sa katawan ko.

At pagkatapos ay nagmamadali na akong tumakbo palabas ng gate.

Naiinis ako na di pa binanggit ni Brando ang nangyayari pero pinatay ko nalang ang selpon para mabilis na makauwi.

Nag-aalala na tuloy ako sa kung ano na ang kaganapan doon.

Agad akong pumara ng taxi, saka sinabi sa driver ang location at agad naman nito pinatakbo ang kotse.

Ilang minuto pa nakarating na ako sa tapat ng aming bahay, sobrang natataranta na din ako kaya halos madapa na ako sa pagtakbo makarating lang agad sa bahay.

Pagpasok ko sa loob tanging si Brando at lola lang na nakaupo sa sofa na nasa maliit na sala at umiiyak ang nabungaran ko.

Nakaakbay naman sa kanya si Brando para patahanin ito subalit kitang-kita ko ang mga luhang nagkalat sa pisngi ng aking lola.

Bigla ay nanlambot ang tuhod ko sa ganung eksena, ayaw na ayaw kong nakikita siyang umiiyak.

Mabilis ko siyang tinungo saka umupo sa tabi niya."la? La anong nangyari? Bakit ka po umiiyak?"Sobrang nag-aalalang tanong ko.

Pagkwan ay ini-angat nito ang kanyang mukha upang sa akin tumingin na luhaan parin.

"A-ang kuya mo, ang kuya Ahmon mo."'Mas dumagsa ang luha nito ng sabihin ang mga katagang iyon.

Ako naman ay hindi na mapakali."Anong si kuya? Bakit anong nangyari kay Kuya Ahmon?"Akmang tatayo pa sana ako para puntahan ang kwarto ni kuya Ahmon nang magsalita si Brando na naiiyak na din.

"Bakla, kinuha nila si Kuya Ahmon. Kinuha ni Tito Jack, ni hindi na nga namin napigilan eh. Wala na kaming nagawa ni lolabels, sapilitan talaga nilang kinuha si kuya Ahmon."Mangiyak-iyak nang sambit ni Brando.

Nanlumo naman ako sa aking nalaman."Hindi, hindi nila pwedeng kunin si kuya ng ganon-ganon lang. Bakit? Anong pinaplano nila at sapilitan nilang kinuha si kuya? Ni hindi man lang sila nagpaalam sa akin, ni hindi man lang sila nagsabi na pupunta sila dito para kunin si kuya? Sa anong dahilan at bakit nila ginawa yon?"Hindi ko na napigilan ang sarili na maiyak at malakas na salitang binibigkas ang mga katagang iyon.

Tito Jack, siya ang bunsong kapatid ng nanay ko. May kaya ang tao na iyon, nakatira siya sa ibang bansa at doon na din bumuo ng sariling pamilya.

(R-18)A TASTE OF BEBENGKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon