CHAPTER 15 MISSING PART.

128 1 0
                                    

Nang magsimula na ang klase ni Penny ala una ng hapon ay sakto naman na nag-text ang kaibigan ni Rocky na si Uno. Nagsabi ito na may bagong miyembro daw sila na ibig siyang makamayan. Tiningnan niya ang oras. 1PM pa lang naman. Mamaya pang alas kwatro ang uwian ni Penny at matagal-tagal pa siyang maghihintay dito. Pwedeng-pwede pa muna niyang puntahan si Uno upang pagbigyan ang kahilingan ng bagong miyembro nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Penny at sumibat na lang siya kaagad paalis. Babalik din naman siya agad bago ito mag-uwian kaya ayos lang na hindi na siya magpaalam pa.

Halos 20 minutes lang niyang binyahe ang hide out nila ng mga kaibigan niyang sila Uno. Mukhang may initiation pang nagaganap pagkadating niya. Nagulat ang iba pang mga miyembro ng Dark Empire nang makita siya ng mga ito.

"Uy Rocky!"

Si Jerson ang agad na lumapit sa kaniya. Napansin niya na parang ang payat nung bagong miyembro nila na sinasalang sa initiation.

"Bago ba yan?" tanong niya kay Jerson.

"Oo pare. Yan yung gusto kang makilala," sabi ni Jerson.

"Bakit naman?" nagtataka niyang tanong.

"Idol ka daw eh. Napapanood ka daw mag-basketball dati doon sa court," sagot nito.

"Iyon lang?"

"Oo," sagot ni Jerson at humipak ng yosi.

Napakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang binatilyo na agad siyang nilapitan nang makuha niya ang atensyon nito.

"Kuya Rocky!" sigaw nito sa kaniya. May matamis na ngiting nakapakat sa labi nito.

"Gusto mo raw akong makamayan?" tanong niya.

"Oo Kuya Rocky! Matagal na kitang idol kahit noong nakikipag-away kayo noon sa ibang mga frat nakikita ko kung gaano ka ka-astig! Idol talaga kita eh! Kaya rin ako sumali dito sa Dark Empire ay dahil sayo!" nakangiting sabi nito.

"Talaga? Pero mukhang bata ka pa ah?" sabi niya dito. Iyon kasi ang napansin niya.

"17 year old," sabat ni uno na humihipak din ng yosi.

Nagulat siya sa sinabi nito. 17 years old? Hindi sila tumatanggap ng miyembro na menor-de-edad.

"Ano? Hindi ba't disi-otso pataas lang ang tinatanggap natin?" aniya sa mga kasama.

"Oo nga, pero isang taon na lang naman eh. Saka makulit ang isang yan," sabi ni Uno.

"Pambihira!" naiiling na sabi niya. Hindi siya sang-ayon sa pagpayag ng mga ito na sumali ang batang ito sa frat nila. Kahit na isang taon na lang ang hihintayin ay hindi pa rin dapat iyon pwede. Tiningnan niya ang binatilyo na ayon sa mga kasama niya ay Mak ang pangalan.
Hinawakan niya ang balikat nito.

"Hindi ka ka pa pwede dito," sabi niya. Napatitig naman sa kaniya si Mak at parang biglang nalungkot ang mga mata nito.

"Pasensiya ka na," dagdag niya at siya naman ang dumukot ng sigarilyo saka sinindihan iyon.

"Pero kaya ko na po at gustong-gusto ko sumali sa inyo!" sabi ng binatilyo.

"Hintayin mo nang mag 18 ka. Sandali na lang naman iyon eh," sabi niya dito.

"Pero Kuya Rocky-"

"Hindi talaga pwede," pagmamatigas niya. Sa itsura pa nga lang nito ay mukhang hindi na nito kakayanin ang initiation na gagawin.

"Bakit naman kasi kayo pumayag? May usapan naman tayong lahat na bawal ang 18 pababa hindi ba?" aniya sa mga kasama niya.

"Eh Rocky, pumayag naman kasi si Jerson," sabi ng isa nilang kasama. Tiningnan niya si Jerson.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now