CHAPTER 16

157 2 0
                                    

Kinabukasan ay hindi maipinta ang mukha ni Penny. Ewan ba niya kung bakit siya naiinis. Parang ayaw niyang makita si Rocky ngayon. Actually ay may dalaw siya kaya rin siguro mainitin ang ulo niya agad. Halos lahat na lang yata ng babae sa campus eh binabati si Rocky, napaka-babaero talaga ng lalaking iyon. Mas mabuti pa na wag na lang siya nitong bantayan ngayon.

6:30 pa lang ng umaga pero nakabihis na siya at handa ng magtungo sa eskwelahan. Hinihintay na lang niya ang Daddy niya. Lumabas siya ng bahay at agad na natanaw ng mga mata niya ang lalaking ayaw sana niyang makita ngayong araw.

Si Rocky.

Nakatayo ito habang nanginginain ng tsokolate sa labas ng kabilang bahay na tinutuluyan nito. Agad na sumimangot ang mukha niya pagkakita sa lalaki. Nguya ito ng nguya ng tsokolate at pagkatapos ay tinikman pa nito ang nasa daliri nito at dinilaan iyon. Napalunok siya pagkakita sa ginawa nito. Bahagya rin na nanlaki ang mga mata niya. Biglang lumingon sa kaniya si Rocky at agad itong napangiti nang makita siya.

"Penny!" sigaw nito sa pangalan niya. Siya naman ay humalukipkip at umiba ng direksyon na wari ay hindi niya ito nakita.

Hays nakakainis!

Bahagya niyang naipadyak ang paa. Naramdaman niya na lumakad si Rocky palapit sa kinatatayuan niya.

"Nasaan na si Mr. Crisostomo? Akina na yang bag mo," sabi nito sa kaniya at pilit na inagaw sa kaniya ang bag niya upang bitbitin na nito. Hindi niya ibinigay dito ang bag niya. Kaya naman kasi niyang dalhin ito. Hindi na nito kailangan pa na bitbitin iyon.

"Oh ayaw mong bitbitin ko ang bag mo? Bakit?" nagtatakang tanong nito sa kaniya. Hindi pa rin niya ito tinitingnan pero sinagot naman niya ang sinabi nito.

"Kaya ko naman eh!" sagot niya. Naningkit ang mga mata nito nang mapagmasdan ang mukha niya.

"Teka lang, may kasalanan ba ako sayo? Bakit ba ang sungit mo na naman sa akin. Kahapon ka pa ah?" puna nito sa kaniya.
Doon ay tiningnan niya ito.

"Huwag ka ng sumama sa school, ihatid mo na lang kami ni Daddy at pagkatapos ay huwag mo na akong bantayan," wika niya dito. Nangunot ang kilay nito dahil sa sinabi niya.

"Ano? Bakit ko naman gagawin yan eh ang trabaho ko ay bantayan ka," sabi nito sa kaniya.

"Ayaw ko lang. Wag mo na kasi akong bantayan dahil naiinis lang ako kapag nakikita ko ang mukha mo," diretsang sabi niya dito. Mas lalong nangunot ang noo ni Rocky dahil sa sinabi niya. Tila ba gulong-gulo na ito sa kaniya at hindi siya nito maintindihan.

"Wala naman akong ginagawang masama sayo ah? Isa pa ay hindi papayag ang Daddy mo na hindi ka bantayan," sabi nito.

"Kakausapin ko siya para pumayag siya," sagot niya. Napahimas naman sa sentido si Rocky at parang stress na stress na hinawakan nito ang kamay braso niya.

"Penny, ano ba talaga ang problema ha?" naguguluhang tanong nito.

"May nagawa ba ako?" dagdag pa nito. Umiling siya.

"Wala. Naiinis lang ako sa mukha mo!" supladang sabi niya.

"Ano? Naknamputik! Napaka-imposible mo naman Penny. Iyan lang ang rason mo? Bahala ka, pero hindi kita susundin dahil hindi ikaw ang amo ko. Sa ayaw at sa gusto mo eh babantayan pa rin kita kaya halika na sa sasakyan," sabi nito. Lumabas na rin ang Daddy niya at nakabihis na ito.

"Nag-aaway ba kayong dalawa?" tanong nito sa kanila. Narinig pa yata nito ang pag-uusap nila.

"Hindi po Sir. Nagkukwentuhan lang kami ni Ma'am Penny," agad naman na sagot ni Rocky at ngumiting aso pa sa kaniya.

"Mabuti naman kung ganoon. Akala ko eh nagtatalo na naman kayong dalawa," sabi ng Daddy niya.

"Ay hindi ho ser! Napakabait po nitong anak niyo eh. Sobra!" ani Rocky at muling bumaling ng tingin sa kaniya na nakakainsulto.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now