CHAPTER 29

110 2 0
                                    

Abot ang sulyap ni Penny sa sarili niya sa salamin. Sa maiksing panahon na nag-gym sila ni Rocky ay parang wala namang nabawas sa timbang niya. Ganoon pa rin siya. Mataba at pangit. Parang ayaw na niyang umattend sa PROM ng school nila. Ngayong gabi na kasi iyon gaganapin at hindi pa rin siya mapakali. Wala talaga siyang confidence sa katawan. Siguro kung naging maganda siya at sexy ay hindi siya magkakaganito. Nakahanda na ang gown na isusuot niya. Kanina pa nga niya iyon pinagmamasdan at abot pa rin ang pagdadalawang-isip niya kung isusuot ba niya iyon o hindi.

Mayamaya ay biglang bumukas ang pintuan ng silid niya at pumasok ang kaniyang ina.

"Mommy?" gulat na sambit niya pagkakita sa Mommy niya. Ngumiti naman ito sa kaniya. Bakas ang pagtataka sa mga mata nito.

"Oh, bakit hindi ka pa nakakabihis? Aayusan pa naman kita," saad ng Mommy niya. Marahan siyang napayuko at kapagkuwan ay nagpakawala ng buntonghininga.

"Huwag na lang kaya ako umattend Mommy? Sigurado naman kasi na wala namang magsasayaw sa akin doon. Mapapahiya lang ako kapag nakita ko ang ibang mga co-teachers ko na isinasayaw, saka ang ibang mga estudyante na siguradong may kanya-kaniya ng kapareha doon," malungkot niyang saad.

Nilapitan siya ng kaniyang ina at naupo ito sa gilid ng kama. Pinagmasdan nito ang mukha niya saka marahan na hinaplos ang pisngi niya.

"Anak, huwag kang ganiyan. Umattend ka sa PROM dahil para naman iyon sa lahat. Isa pa ay madalang lang ang mga ganyang selebrasyon. Wala kang dapat ikahiya anak, you're pretty. Ako ang bahala sayo dahil aayusan kita para lalong lumitaw ang kagandahan mo," wika ng Mommy niya. Halatang pinapalakas nito ang loob niya. Alam niya na gustong-gusto ng Mommy niya na umattend siya sa PROM. Gusto kasi nito na muling bumalik ang kompyansa niya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit kasi kailangan na pati mga guro ay kasali pa, ang alam niya ay para lang iyon sa mga estudyante, sa pagkakaalam niya ang Daddy daw niya talaga ang may gusto niyon para mapilitan siyang umattend sa mga ganoong klase ng selebrasyon.

"Sige na anak, umattend ka na sa PROM. Halika na aayusan na kita."
Nababasa niya ang pagka-excite sa mukha ng Mommy niya at hindi niya kayang hadlangan ang kasiyahan nito. Kahit na medyo labag sa kalooban niya ang dumalo sa pagdiriwang na iyon ay pumayag na rin siya. Tipid ang ngiting tumango siya sa Mommy niya. Mas lalo itong natuwa dahil doon.

Inayusan nga siya nito at inilabas nito lahat ng mga make up na gagamitin para sa kaniya. Masaya siya habang nakikita ang Mommy niya na hindi maalis ang ngiti habang inaayusan siya. Masayang-masaya ito na pumayag siyang umattend sa party. Isinuot niya ang kulay sky blue niyang gown. Mataba pa rin siyang tingnan pero maganda daw siya sabi ng Mommy niya. Matapos siyang maayusan nito ay pinagmasdan niya ang repleksyon sa salamin. Ang ganda ng mukha niya. Ang ganda ng pagkakaayos sa kanya ng Mommy niya.

"Ang ganda ganda mo anak!" puri nito sa kaniya. Nahihiyang ngumiti siya dito.

"Thanks Mom," tipid niyang sagot.

"Halika na bumaba ka na at ihahatid ka na ni Rocky. Naroon na ang Daddy mo sa school at nauna na dahil may kailangan itong asikasuhin doon," paliwanag ng Mommy niya. Hindi pala niya makakasabay ang Daddy nya ngayon. Batid niyang abala ito dahil sa dami ng tao at mga organizer na kausap nito para lang sa PROM.

Humugot muna siya ng isang malalim na buntonghininga bago lumabas ng silid niya. Naabutan niya si Rocky na naghihintay sa ibaba. Siya ang hinihintay nito dahil ito ang maghahatid sa kaniya. Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin sa kaniya nang pababa na siya sa hagdanan.

———

Napatigil sa pagnguya ng chewing gum si Rocky nang mapalingon siya sa hagdanan at makita si Penelope na dahan-dahang bumababa sa roon. Parang biglang huminto ang paligid nang mapagmasdan niya ang ayos nito ngayon.

Ang ganda ganda nito sa paningin niya.

Totoo ba ang nakikita niya? Si Penelope ba talaga ito?
Kahit na malaman pa rin ito ay hindi maitatago na napakaganda ng mukha nito. Sinasabi na nga ba niya at talagang maganda ito eh, hindi lang kasi talaga ito mahilig mag-ayos ng sarili. Pero ngayon na aattend ito sa PROM ay napilitan siguro itong mag-ayos. Halos pasukan na ng langaw ang bibig niya habang pinagmamasdan itong bumababa.
Napakurap lang siya nang tumikhim ang ina ni Penny.

"Rocky, ihatid mo na si Penelope. Mag-iingat kayong dalawa ha? Ikaw na ang bahala sa kaniya," anang ina ni Penny. Nang makababa si Penny at makalapit ito sa kaniya ay nag-aalangan na tiningnan siya nito sa mga mata.

"Ayos ka lang?" nahihiyang tanong nito nang mapansin nito na natulala siya.

"A-ang ganda mo..." nauutal niyang saad. Mas lalong rumehistro ang hiya sa mukha ni Penny.

"Huwag mo na akong bolahin. Alam ko naman na mataba pa rin ako," sabi nito sa kaniya.

Napalunok siya. Bumibilis ang pintig ng puso niya habang nakatitig siya sa magandang mukha ni Penny. Hindi ito manang tingnan ngayon. Ibang-iba ito sa paningin niya. Para itong isang diyosa.

"R-rocky? Tayo na kaya? Baka mahuli pa tayo eh. Bakit nga pala hindi ka man lang nagbihis? Para ka lang makikipagrakrakan eh!" puna ni Penny sa kaniya. Nakasuot lang kasi siya ng itim na t-shirt na may tatak na namang bungo. Naka-pantalon din siya na maraming tastas sa bandang tuhod. Kailangan ba niyang magbihis ng maayos? Ano bang dapat niyang isuot? Alam naman niyang hindi siya makaka-relate sa kaganapan sa PROM na yun. Hindi naman siya belong sa pagtitipon na iyon dahil bodyguard lang naman siya ni Penny. Isa pa ay pupuntahan niya sila Uno. Birthday kasi ng isang myembro nila at nagtatampo na ang mga ito sa kanya dahil madalang na daw siyang makaharap sa mga ito. Plano niyang sunduin na lang si Penny mamaya kapag tapos na ang PROM. Sisibat muna siya kila Uno pagkahatid niya kay Penny.

"Hindi naman ako kasali sa party," saad niya.

"Kahit na, sana nagsuot ka man lang ng maayos. Or kahit plain white shirt man lang. Hindi yung palaging ganyan na lang ang suot mo." Tila dismayado si Penny sa kaniya. Halos lahat naman kasi talaga ng damit niya ay itim tapos bungo or pang rakista talaga ang tatak. Madalang siya magsuot ng kulay white. Hindi na lang siya nakipagtalo dito. Ayaw niyang masira ang gabi nito lalo pa at ang ganda nito ngayon.

"Hayaan mo na. Tayo na at ihahatid na kita. Siya nga pala, mag-iingat ka at huwag kung kani-kanino magpapasayaw."

Huli na nang marealize niya ang sinabi. Bakit ba niya sinasabi kay Penny ang bagay na iyon? Wala naman siyang karapatan dito. Bigla na lang siyang nagiging possesive. Naiisip pa lang niya na may ibang magsasayaw kay Penny ay may kung ano na sa kalooban niya ang hindi mapakali.

Narinig niyang mahinang tumawa si Penny.

"Alam mo Rocky hindi ko alam kung nang iinsulto ka e. Tingin ko ay walang magsasayaw sa akin doon. Ang taba-taba ko kaya. Mapapahiya lang sila kung makikita silang kasayaw ang isang tulad ko," sabi nito kaya kumunot ang noo niya. Naiinis siya sa tuwing nararamdaman niyang minamaliit nito ang sarili.

"Ano ka ba Penny? Huwag mo ngang sabihin yan! Sa katunayan ay ang ganda-ganda mo ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi mo makita iyon." Nasa tapat na sila ng sasakyan kaya pinagbuksan na niya ito ng pintuan. Matapos itong makasakay sa loob ay umikot na siya sa driver's seat at pinaandar iyon patungo sa eskwelahan kung saan din mismo gaganapin ang PROM.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon