CHAPTER 19

138 1 0
                                    

Kanina pa pinagmamasdan ni Rocky si Zyron habang tinutulungan nito na mag-ayos si Penny sa loob ng classroom nito. Hindi niya maiwasang mainis pagkakita dito. Maagang umalis si Penny kanina kung kaya't hindi siya ang naghatid dito. Ang ama lang nito na si Mr. Crisostomo ang naihatid niya kanina dahil nauna ngang pumasok si Penny sa eskwelahan at hindi na siya nito inabala pa. Pwede naman sana siyang sabihan ni Penny pero hindi nito iyon ginawa. Handa naman siyang ihatid ito kahit gaano pa kaaga. Siguro kung kasama siya ni Penny kanina bago pa man dumating itong kumag sa paningin niya eh malamang hindi na ito tumuloy dito. Naiinis siya dahil nakikita niyang napapangiti pa si Penny habang kausap si Zyron.

Bakit nga naman hindi? Eh ultimate crush nito si Zyron. Alam na alam niya naman iyon umpisa pa lang, pero bakit nga ba siya naiinis? Hindi rin niya alam. Naghihimutok ang kalooban niya habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Baka kailangan niyo pa ng tulong?" aniya kay Penny. Tumayo siya sa kinauupuan at lumapit sa mga ito. Tumabi siya kay Penny. Ngayon ay nasa gitna nilang dalawa si Penny.

Tiningnan niya si Zyron at tiningnan lang din siya nito saka muling itinuon sa ginagawa ang atensyon.

"Okay lang naman Rocky, kaya naman na namin ito ni Zyron, saka matatapos na rin naman," ani Penny sa kaniya.

"Eh di mas mabuti na tumulong na rin ako para mapadaling matapos," sabi niya sa mga ito. Saka para mas madali na ring umalis ang Zyron na ito. Kanina pa nag-iinit ang mga mata niya dito eh. Parang gusto niya na naman tuloy itong lampasuhin sa basketball.

"Sige Rocky," ani Penny mula sa gilid niya kaya itinuloy na nila ang ginagawa. Dahil sa tulong niya ay mas madali ngang natapos ang ginagawa nila.

"Ayan okay na. Salamat Zyron!" sabi ni Penny kay Zyron nang masiyahan ito sa kinalabasan ng mga inayos nila. Nakakunot naman ang noo niya. Bakit si Zyron lang ang pinasasalamatan nito? Gusto niya sanang itanong iyon kay Penny pero pinigilan na lang niya ang sarili. Baka isipin pa ng kumag na ito na naiinsecure siya dito. Hinding-hindi mangyayari iyon. Wala naman itong binatbat sa kaniya. Lamang lang ito ng puti.

"Wala iyon Penny, sige mauna na ako ha? Naghihintay na rin ang mga estudyante ko niyan eh," sabi ni Zyron.

"Sige, thank you talaga ha?" ulit pa ni Penny. Lihim siyang napabuntong-hininga. Kailangan ba talaga na paulit-ulit pa ang pasasalamat nito?

Nang tuluyan nang lumabas si Zyron sa classroom ay nakahinga siya ng maluwag.

"Feel na feel naman ng mokong na iyon dito," inis niyang wika. Napakunot ang noo ni Penny at tumingin ito sa kaniya.

"H-ha? Anong sinasabi mo Rocky?" naguguluhang tanong nito. Alam niyang hindi nito maunawaan kung ano ang tinutukoy niya.

"W-wala. Puwede naman kitang ihatid kanina bakit hindi mo sinabi sakin na maaga kang papasok?" tanong niya na naman dito.

"Rocky, ayaw ko ngang abalahin ka pa di ba? Gets mo?" sagot ni Penny sa kaniya. Napailing siya.

"Or gusto mo lang na magka-solo kayo nung Zyron na iyon?" tanong niya. Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang labanan ang inis na lumalabas sa mukha niya. Hindi na niya maitago iyon kay Penny. Nagtaka naman ito sa kaniya.

"Oh bakit parang galit ka? May problema ba? Ang bait ni Zyron no?" nakangiting sabi nito. Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon at humakbang palayo ng kaunti kay Penny. Naiinis na talaga siya. Good shot na goodshot na naman kay Penny ang lalaking iyon.

"Mabait siya sayo dahil kayo ang may-ari nitong school," sagot niya.

"Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng mabait lang talaga yung tao? Ikaw talaga, ang negative mo pagdating kay Zyron," tila naiinis na sabi ni Penny sa kaniya.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now