CHAPTER 14

156 3 0
                                    

Napapangisi na lang si Rocky sa tuwing may sumisigaw ng pangalan niya. Kakatapos lang nilang maglaro ng basketball. Hindi niya akalain na ang paglalaro niyang iyon ay magiging dahilan para makilala siya dito sa school. Hindi naman sa pagmamayabang, pero pagkatapos ng laro eh ang dami ng lumalapit sa kaniya at sinasabing idolo siya ng mga ito. Mapa lalaki man o babae eh tinatawag ang pangalan niyang Rocky. Mahilig kasi talaga siyang maglaro ng basketball noon pa man kaya mahusay siya dito. Wala naman sa isipan niya ang pagyayabang, ni hindi rin sumagi sa isipan niya na mapansin ng mga kababaihan sa school na ito, ang tanging dahilan lang naman kung bakit siya biglang lumaro kanina ay dahil nakita niya si Penny na grabe ang titig kay Zyron. Ewan niya ba kung bakit parang may gusto siyang patunayan dito at naiinis siya kapag nakikita niyang natutulala ito sa Zyron na iyon. Well, natalo nila ito kanina kaya wala itong maipagmamayabang sa kaniya. Mahina lang naman pala maglaro ang isang iyon, sadyang malaki lang rin talaga katulad niya.

"Hi Rocky! Ang galing mo maglaro kanina, crush na kita!" anang isang babae na nadaanan niya. May kasama itong ilan pang kababaihan. Tila kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Sa tantiya niya ay mga 4th year highschool students ang mga ito.

"Sabi sayo gwapo siya eh. Lalo na sa malapitan, tingnan mo yung mga tattoo niya, ang hot!" rinig niya pang sabi ng isang kasama nito.

Binigyan niya ng isang pilit na ngiti ang mga babae.

"Hi girls!" bati niya sa mga ito at kumindat pa dahilan para magtilian ang mga babae. May ilang lalaki naman ang napapadaan sa gawi nila na napapailing. Para bang naiinsecure ang mga ito sa kaniya.

"May girlfriend ka na ba?" tanong sa kaniya ng babae.

"Uhm wala eh," sagot naman niya sa mga ito at wari'y humimas sa batok.

"Kyaaa! Pwede mo akong maging girlfriend kung gusto mo!" tili ng babae kaya natawa na lang siya.

"Oo nga kung gusto mo na naman ako na lang!" sabat pa ng isang babae na kasama nito.

"Ano ka ba? Nauna ako sayo!" anang isa.

"Nauna ka nga eh hindi ka pa naman niya pinipili," sabi ng isa. Nagtatalo pa ang mga ito.

"Palabiro naman kayo masyado," sabi niya sa mga ito upang matigil na ang pagtatalo ng mga ito.

"Uhm, hindi naman kami nagbibiro Rocky. Sino ba ang type mo sa aming dalawa? Single kami pareho!" anang isa. Napaangat ang isang kilay niya sa tanong nito. Nagulat kasi siya. Seryoso ba ang mga ito? Ganun ganun na lang kung ialok ang sarili sa kaniya? Napailing siya habang nagpipigil ng tawa at disappointment sa mukha.

"Parehas kayong maganda, pero may iba na akong gusto," sagot niya sa mga ito. Napasimangot naman ang dalawang babae dahil sa sinabi niya.

"At sino naman iyon? Don't tell me yung lagi naming nakikita na kasama mo. Si Ms. Penny? Duh! Wala ka bang taste?" sabi ng babae sa kaniya. Tila ba nandidiri ito.

Tiningnan niya naman ang mga ito sa mukha.

"May mali ba kung siya nga ang nagugustuhan ko?" tanong niya dito. Gusto lang niyang makita ang reaksyon ng mga ito kahit hindi naman totoo ang sinasabi niya.

Natawa ang dalawang babae at nag-roll ng mga mata.

"Huh? Are you serious? Yung baduy na matabang iyon?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yeah? May problema ba?" sagot niya. Ano bang mali kay Penny? Bigla siyang nakaramdam ng inis sa mga babaeng ito.

"Eww! Let's go na nga girls!" tila naiinis na sabi ng mga ito at nag-walk out. Napailing lang siya at naglakad na rin upang puntahan si Penny sa room nito. Basang-basa ang suot niyang damit.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum