CHAPTER 08

200 4 1
                                    

Alam ni Penny na hindi naman seryoso ang batang estudyante niya sa sinasabi nito kanina. Saan naman kaya nito napulot yung mga sinasabi nito kanina na crush daw siya ni Rocky? Malabo pa sa sabaw ng pusit na mangyari iyon. Para nga silang aso't pusa eh. Heto at nagbu-bwisitan na naman silang dalawa dito sa loob ng classroom niya. Ang kulit kasi nito at gustong-gusto na lumabas dahil naiinip na raw. Ayaw niya naman itong palabasin dahil baka mamaya ay makita na naman ito ng iba pang mga tauhan sa guidance at magkaroon na naman ng komprontasyon.

"Palabasin mo na kasi ako Pennys," sabi nito sa kaniya. Biglang nagtawanan ang mga estudyante niya dahil sa narinig ng mga ito na tawag ni Rocky sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya dito at binigyan ito ng nagbabantang tingin.

"Oh bakit ano na naman?" tanong nito sa kaniya.
Patuloy sa tawanan ang mga estudyante niya.

"Kuya Rocky bad po kayo. Bakit po ganoon ang tawag niyo kay Ma'am? Hindi ba po tawag yun sa private part ng lalaki?" anang isang estudyante niya. Parang nag-init ang pisngi niya dahil sa narinig. Alam niyang bata lang ito pero may isip na ito. Ang walanghiyang Rocky talaga na ito eh hindi marunong mag-isip.

Nang makita niyang sasagot si Rocky ay iniba na lang niya ang usapan.

"Class. L-let's continue our topic," aniya sa mga ito.

"Ikaw Rocky sige lumabas ka na," taboy niya dito para wala na itong gawing kabulastugan sa loob ng room niya. Umiinit lang ang ulo niya sa lalaking ito.

"H-ha? Joke lang dito na lang pala ako," bigla ay sabi nito na ipinagtaka naman niya. Kanina lang ay gustong-gusto na nitong lumabas, tapos ngayon ay heto at pinapalabas na niya ito pero ayaw naman nitong lumabas. Talaga yatang malaki na ang tama nito sa utak. Napabuntong-hininga na lang siya at bumalik na sa pagtuturo. Natahimik na rin ang mga estudyante niya.

Habang nagtuturo siya ay pasimple siyang napapasulyap kay Rocky na naka-kalumbaba sa dulong upuan. Malikot ito dahil nakikita niyang ang isang kamay nito ay abot ang kutingting sa kung ano-anong mga bagay na naroon sa pwesto nito. Maya-maya ay biglang tumingin ito sa kaniya at kumindat sabay ngisi. Nalukot ang dalawang kilay niya dahil doon kaya mabilis niyang itinuon sa mga bata ang tingin niya.

Ang damuhong lalaking iyon. Bakit siya nito kinikindatan? Baliw talaga.

Pero bakit parang may bumilis yata ang pintig ng puso niya?
Ipinilig niya ang ulo. Baka guni-guni lang niya ito.

Nang sumapit ang break time ay mabilis na naglabasan ang mga estudyante niya para mag-recess. Naiwan siyang nakatayo sa harapan at inaayos ang ilang mga gamit niya sa ibabaw ng table. Si Rocky naman ay napansin niyang tumayo sa kinauupuan nito. Huminto ito sa harapan niya kaya napatingin siya dito. Nakatingin lang din ito sa kaniya. Inangatan lang niya ito ng isang kilay at hindi siya nagsalita. Hindi rin naman ito nagsalita bagkus ay bigla na lamang itong lumabas ng silid niya nang walang sabi-sabi.

Napakunot ang noo niya at napailing na lang. Saan naman kaya pupunta ang lalaking iyon?  Recess naman kaya hahayaan na niya muna itong magpakalat-kalat sa labas.

Ilang minuto ang lumipas at lalabas na sana siya sa room niya para magtungo sa canteen nang biglang dumating ang isang estudyante niya ka si Kurt at Kyle.
May dalang tray ng pagkain ang mga ito at ibinigay nito iyon sa kaniya.

"Ma'am Penny sa inyo daw po ito," sabi ng bata sa kaniya. Nagtaka siya dahil wala naman siyang natatandaan na umorder siya ng pagkain.

"H-ha? Para sakin? Kanino galing?" tanong niya sa mga ito.

"Kay Kuya Rocky po," sagot ng mga bata sa kaniya. Napanganga siya at ilang sandaling hindi nakapagsalita. Tiningnan niya ang tray at may nakalagay doon na donut, fries, burger at chuckie.

"Ma'am kunin niyo na po kasi babalik pa kami sa canteen eh," sabi ng mga bata sa kaniya nang hindi siya natitinag kanina pa.

Napakurap siya at kinuha sa mga ito ang tray na may lamang pagkain. Kunot noong naupo siya sa upuan niya habang nakatitig sa mga pagkain. Napansin niyang may sulat na nakalagay sa gilid kaya binuksan niya iyon at binasa.

Eatwell Pennys. Ubusin mo lahat ‘yan.
-Rocky Pogi

Napasimangot siya sa huling nabasa.
Rocky Pogi? Ang hambog talaga ng lalaki na iyon. Pero infairness kanina pa siya nagugutom kaya hindi na niya ito tatanggihan. Isa pa ay para sa kaniya naman daw talaga ito. Ano kaya ang nakain ng hambog na iyon at pinadalhan pa siya nito ng miryenda?
Tahimik niyang kinain ang miryenda hanggang sa maubos na niya ito. Mahilig talaga siyang kumain kaya ganito kalaki ang katawan niya. Wala na siyang pakialam kung palagi siyang hinaharot ng iba na baboy. Ang mahalaga ay busog siya at nag-eenjoy.
Kakatapos lang niyang kumain at napadighay pa siya. Pinunasan niya ang nguso gamit ang tissue na nasa table niya. Maya-maya ay biglang tumigil ang mundo niya nang dumaan si Mr. Zyron Bartido. Ito yung co-teacher niya na crush na crush niya sa school na ito. Iyon nga lang ay highschool ang tinuturuan nito. Parang tumigil ang mundo niya nang masilayan niya ang binata. Oo binata dahil wala pa naman itong asawa. Sobrang tangkad nito. Kasing tangkad ito ni Rocky. Ang gwapo nito at halos lahat naman ay nagkakaroon ng crush dito. Pati na rin ang mga dalagang estudyante sa eskwelahan na ito ay nagkakandarapa kay Zyron. Maganda ang mga mata nito at maamo, matangos ang ilong at mapula ang labi. Napakagat-labi siya habang yakap-yakap ang sarili at pinagpapantasyahan ang kapwa niya guro. Kinikilig siya at tuwang-tuwa nang masilayan niya ito.

Nasa ganoon siyang akto nang biglang pumasok si Rocky at nagtatakang napatingin ito sa kaniya dahil nakangiti siya at tila nangangarap sa hangin. Kunot ang noo ni Rocky habang nakatitig sa kaniya. Lumingon ito sa direksyon na tinitingnan niya at nakita nito ang hindi pa nakakalayong si Zyron.

"Ayos ka lang?" tanong ni Rocky sa kaniya.

Hindi niya ito pinansin dahil ninanamnam pa niya sa isipan niya ang nagdaang mukha ni Zyron na nasilayan niya kanina nang dumaan ito.
Napatingin naman si Rocky sa tray ng pagkain niya sa lamesa at napangiti ito ng pasimple nang makita nito na naubos niya ang mga pagkain. Hindi niya pa rin alintana ang prisensiya nito. Ilang sandali pa ay muling binalingan ni Rocky ng tingin ang lalaking sinusundan niya ng tingin kanina pa.

"Type mo ‘yon? Sus! Hindi ka papatulan nun!" sabi nito sa kaniya. Doon naputol ang pagpapantasya niya kay Zyron. Sinamaan niya ng tingin si Rocky nang makuha nito ang atensyon niya.

"Alam mo ang yabang mo talaga at ang sama ng ugali mo!" inis na sabi niya dito. Panira talaga ito ng moment kahit kailan.

"Masama? Binigyan nga kita ng miryenda at naubos mo eh tapos masama pa ang ugali ko?" anito sa kaniya. Bigla siyang natameme. Well, may puso naman pala ito kahit konti. Pero bakit parang nanumumbat ito eh hindi naman niya ito inutusan na gawin ang bagay na iyon?

"Hindi ko naman sinabi sayong bigyan mo ako ng miryenda," aniya rito.

"Oo nga pero inubos mo naman," sagot nito.

"Ang sabi mo dun sa sulat ubusin ko di ba? Sinunod ko lang ang sinabi mo no! Tse!"

Napansin niyang tumaas ang isang sulok ng labi nito. Parang ngumiti ito pero biglang sumeryoso din agad ang mukha. May dala pa itong coke in can na tinutungga nito sa harap niya. Mabuti na lang at naka-t-shirt ito ngayon ng black kaya hindi masyadong lantad sa kaniya ang puro marka nitong katawan. Iyon nga lang ay kita pa rin ang mga marka nito sa braso. Ang dami kasi niyon. Hindi ba't masakit ang magpalagay ng tattoo pero bakit parang ini-enjoy yata ng kumag na ito?

Naalala niya ang ama niya kaya tinalikuran niya si Rocky at naglakad palabas upang puntahan ang Daddy niya sa opisina nito. Kakausapin lang niya ito saglit. Iniwan niya muna si Rocky sa loob ng classroom niya pero ilang sandali pa lang siyang naglalakad sa labas ay naramdaman niyang kasunod na niya ito.

Bakit nga ba niya nakalimutan na bodyguard niya ito at susundan siya nito palagi kahit saan siya magpunta? Napapikit na lang siya at nagpakawala ng isang buntong-hininga habang patuloy na naglalakad.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now