"Yup, that's me."

"By the way, I'm Ryu." Pagpapakilala niya at nakipagkamay sa akin. Tinanggap ko naman ito. "Anyway, I also have to go. Please don't forget to bring your car to an autoshop. Ingat sa pagmamaneho."

"Ikaw din."

"See you soon, Katrina."



"Hiiiii, Professor."

"Kamay mo." Everytime na nakikita niya ako dito sa University tapos babati siya ay hindi niya rin nakakalimutan na laging umakbay sa akin. Ayos lang naman sa akin kung nasa labas kami, parang tropa friends lang. Pero pag dating dito sa loob, medyo iba na dapat.

"ooops, sorry." Sagot nito at inalis ang nakaakbay na braso. "Late ka yata ngayon, Professor?"

"Nasiraan ako." Mabilis na sagot ko sa kanya.

"Ng bait o ng sasakyan?"

"Alam mo, ikaw...Mas sira ang ulo mo kumpara sa akin" Kahit kailan talaga ito, walang araw na hindi mang aasar. "Ng sasakyan, ano pa nga ba."

"I already told you last week that you have to bring your car to an autoshop." Pailing iling pa nitong sinabi sa akin. "Why didn't you call me? How did you get in here?"

"May tumulong lang mag ayos nung sasakyan."

"Haay, Professor...You're one hard-headed woman. Give me your keys." Halatang iritang sabi nito at binuksan pa ang palad niya sa harapan ko.

"Bakit?"

"Just give it to me." Napatigil ako sa paglalakad at kinalikot ang bag ko para mahanap at iabot sa kanya ang susi ng sasakyan.

"Don't you have class?"

"May two hours pa ako before my next class."

"Anong gagawin mo sa sasakyan ko?"

"Itatapon ko. Bye, Professor."





May klase ako ngayon kila L, kanina niya pa nakuha ang susi ng sasakyan ko at wala akong ka ide ideya kung anong ginawa niya roon, hindi rin naman siya nag bigay ng update kung ano ang lagay nito. Basta ang sinabi niya sa akin kanina sa text at dinala niya ito sa autoshop ni Xen.

"Good evening, class." Bati ko. Nahagip naman kaagad ng mata ko si Lucifer. Mabuti naman ay nakapasok siya.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at sinimulan ko ng magturo kaagad. Minsan, pag tinatamad ako, nag papa quiz nalang ako tungkol sa mga na discuss na na topics pero hindi naman puwedeng ganoon lagi. Hindi ka naman puwede mag pa exam ng hindi nagtuturo.

"Mr. Tuazon, can you tell me what is a board definition of product in marketing?"

"Product may be defined as everything, both favorable and unfavorable, that one receives in an exchange. It can be a tangible food, a service, an idea, people, places, organizations, and ideas or combination if these things—." Habang busy kakasagot itong student ko sa tanong ko tungkol sa topic namin, hindi ko naman mapigilan mapatingin kay Lucifer at sa isang babaeng estudyante ko rin na katabi niya.

Puwede naman sila mag kwentuhan, o maglandian, pero h'wag sa klase ko. Kung nagagawa niya yan sa ibang propesor, sa akin ay hindi maari.

Ano bang pangalan nitong katabi niya...Ah!

"Ms. Lucero." Tawag ko. Agad naman silang napatigil sa pag uusap. Tumayo naman si Ms. Lucero. "Define product hierachy." Nag iintay ako ng sagot mula sa kanya ngunit tahimik lang siya. Sinenyasan ko siya na maupo na. "Okay class, anyone? What is product hierarchy?" May iilang estudyante ang nagtaas ng kanilang mga kamay. "Yes, Ms. Beltran."

Meet LucyWhere stories live. Discover now