9 九

89 12 2
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.


Kat


Kasama ko si Xenia ngayon at himala dahil kasama niya si Gabriella. Naandito kami sa gymanasium dahil papanoorin namin ngayon ang kendo tournament ni Lucifer. May makakalaban sila ngayon galing sa iba't ibang university.

"Five hundred pesos, kay L ako." Sambit ni Xenia. Narinig ko ang pagtawa ni Gabriella.

"Sugalera. Tigil mo na yan, mahal."

"Dali na kasi, lalove."

"Sige na nga, dun na ako sa kung sino mang kalaban ni L. Hindi mo naman kasi ako binigyan ng choice."

Sobrang gaan at happy talaga ang aura ni Xenia nitong mga nakaraang buwan, malamang dahil ito kay Gabriella. Hindi ko lang din inaasahan na iibig siya sa isang babae. May pagka malandi din kasi itong kaibigan ko, paiba iba ng lalaki tapos babae lang din pala ang magpapatino sa kanya.

"Ikaw katkat? Kanino ka?"

"Sige, five hundred din kay L."

"Ay shuta? Pumupusta ka na rin ng pera ngayon ah! Kakasama mo talaga yan kay Lucifer!"

"Oooohh. Is that true, Katrina? You and L?" Mapanuksong tanong pa ni Gabriella.

"Issue kayo. Estudyante ko lang yan." Nagsimula na yung first match. si Lucifer naman ay sa second match pa.

"Estudyante pag nasa university pero pag sa labas iba na. Yiiee." Pang aasar pa nitong si Xenia. Hindi nalang ako sumagot dahil nag fofocus ako sa kakapanood ng laban. "Alam mo, bes. Okay lang naman sa akin. Basta h'wag lang kayo papahuli lalo na pag naandito kayo sa university." Dugtong pa nito at saka tumawa.

"gaga, kilabutan ka nga."

Nagsimula na rin yung match ni Lucifer and as usual para siyang hangin kumilos sa bilis. Halata naman na proud na proud si Xenia sa kanya, pati si Gabriella ay nagulat sa skills ni Lucifer.

"Lugi ako sa inyo. Mga scammer." Reklamo ni Gabriella at saka inabutan kami ng tag five hundred pesos. Natawa nalang kami parehas ni Xenia.

Panalo si Lucifer sa match niya at nanalo rin overall ang kendo team ng JVU.

"L, ngayon na ba yung celebratory dinner niyo?"

"Nope. I think sa other day pa. They want to take a rest tonight, masiyadong intense ang trainings these past few weeks kaya pahinga na muna." Sago ni Lucifer. "Hello, Professor." Pag bati niya naman sa akin.

"Hi. Congratulations." Ngumiti naman siya.

"Hello, Gabriella."

"Hi, L! Ang galing mo pala."

"I know right. Subukan mo lokohin si Xen, ihahampas ko sa'yo ito." Nakangiti niya pang itinaas yung bamboo sword na ginamit niya kanina sa laban niya. "Joke!" Dugtong niya.

"Yamete!" Saway ni Xenia sa kanya. Si Gabriella naman ay napalunok at napangiti nalang kay Lucifer. "Tara na, kain tayo." Pag aaya ni Xenia.

"I can't. I have dinner with Macey and Paulo."

"Saan ba kayo?"

"We're going to eat korean barbeque."

"Ay gusto ko din yun. Sama nalang kami. Kausapin mo na sila kung okay lang ba na magkakasama tayo." Pag sa-suggest naman ni Xenia.

"No." Mabilis na sagot ni L "You're the University director. Hindi sila magiging comfortable if kasama ka."

"Hindi naman ako nangangagat? Sige na kasi...Love, oh."

Meet LucyWhere stories live. Discover now