"Love, let's just have dinner somewhere else, okay?"

"Ehhh. Gusto ko din ng korean barbeque!!" Habang nagpapabebe at nagtatalo ang kaibigan ko at itong demonyitang estudyante, nagkatinginan nalang kami ni Gabriella at napailing.

"Sigurado ka na ba diyan sa kaibigan ko? pwede mo pa naman ibalik yan kung saan mo nakuha." Pabirong sabi ko kay Gabriella.

"No return, no exchange policy. Masiyado na akong in love sa bestfriend mo." Nakita naming umalis si L at kinausap yung dalawang kaibigan niya, ilang minuto pa ang lumipas ay bumalik siya at sinabihan kami na magkita kita nalang sa restaurant na pagkakainan namin. Magsasabay sabay daw sila ng mga kaibigan niya at kami naman nila Xenia ang magkakasabay.

"Good evening po Ms. Torres and Ms. Casabueno." Magalang na bati ni Macey and Paulo sa amin.

"Good evening, guys. This is my girlfriend, Gabriella R—" Natigil sa pagsasalita si Xenia ng sabay na nagsalita ang mga kaibigan ni Lucifer.

"Gabriella Rivas." Pagsabay ni Paulo and Macey. "Oh my god. Ang pretty niyo po sa personal." Nakita ko naman na siniko ni Xenia si Gabriella at halatang halatang proud siya sa girlfriend niya.

"Hindi naman, grabe. Thank you."

"Macey po pala." Nakipagkamay naman si Macey kay Gabriella at ganoon din ang ginawa ni Paulo.

"L, hindi mo naman sinabi na may model friend ka din."

"Shut it, Pau. Let's go sit down and eat."

Hindi naman kami sa mamahalin na lugar kumain, nadadaanan ko din itong restau na 'to. Madalas mga estudyante din ang mga kumakain kasi affordable siya.

"Unli po ba lahat?" Tanong ng isang crew sa amin.

"Oh teka, this is unlimited?" Tanong ni Xenia.

"Yes po, ma'am.

Self service din dito, kaya ikaw talaga kukuha ng lahat ng food na gusto mo, except sa ibang meat na need irequest. Nauna na si L, paulo, and macey. Sila na raw kukuha ng mga side dishes and other meats. Mukhang sanay na sanay na silang tatlo dito.

Natutuwa ako para kay Lucifer kasi nagiging komportable na rin talaga siya kay Macey at Paulo.

"Oh, kayo na magluto. Kami na kumuha eh." Sabi ni Lucifer

"Huy, gago. Tayo na, nakakahiya kela ma'am." Sagot ni Paulo. Aabutin ko na sana yung tongs para ako na yung maglalagay ng meat sa griller pero inunahan ako ni Lucifer at silang tatlo nalang ulit din ang nag asikaso sa amin.

"Pau, kuha ka soju, please." Pakiusap ni Macey

"Gege. L, ano flavor?"

"Kahit ano na, can you also tell aling Pasing to give us ice, laging pinagdadamot yung yelo. Para namang hindi pa tayo suki dito. Ang init ng drinking water nila."

"Madalas kayo dito?" Tanong ko kay Lucifer

"Yes, specially if they already got their allowance." Sagot niya at tumuro pa kay Paulo at Macey.

"Opo ma'am. Hehehe. Atsaka madalas lang naman po kami kumain diyan sa tabi tabi, mas trip kasi naming tatlo yung mga ganun."

Medyo tahimik lang kaming kumakain, totoo naman din kasi yung sinabi ni L kanina, na medyo hindi magiging komportable kasi nga kasama yung University director tapos naandito rin ako, na isang professor. Sino ba naman hindi ma aawkward.

"Guys, please huwag na kayong mahiya. Magkwentuhan kayo, okay lang kahit chismis pa yan, kunwari nalang hindi ko naririnig." Sabi naman ni Xenia.

Magkakatabi kaming tatlo nila Xen at Gabriella. Sa tapat naman namin ay ang tatlong estudyante.

Meet LucyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon