They laughed more until my head started spinning. Tinulak ko ang tumulak sa akin bago nagtatatakbong walang direksyon.

I just wanted to leave. I just wanted their teasing to be hushed. I just wanted this to stop.

I was crying when I tripped and fell, my knees scratching the stone. Napaupo ako at umiyak nang makita ang dugong namumuo sa tuhod ko.

I sniffed. I couldn't stop my tears any longer until it fell more—unstoppable this time.

Tinakpan ko ang mukha ko. Nagtaas-baba ang balikat ko habang humahagulgol.

Hindi ko naiintindihan kung ano'ng nangyayari pero mabigat ang dibdib ko at nasasaktan ako. Their laughter and mocking still lingered on my head, running like a broken record.

"Don't listen to them." Nakarinig ako ng boses at doon na ako nag-angat ng tingin.

My heart leaped.

I couldn't see the man's face clearly. It was blurry, just like my parents but I could clearly see those wonderful ocean blue eyes gazing at me with such affection and concern.

Kumunot ang noo ko, hilam pa rin sa luha ang mga mata nang magsalita.

"What are you doing here? Leave!" singhal ko at muling ibinaon ang mukha sa tuhod nang mapapiksi sa kirot.

Naalala ko ang tuhod kong may sugat kaya itinago ko na lang ang mukha ko sa palad at humikbi.

"Ang kulit mo talaga," bulong-bulong niya. Inangat kong muli ang mukha at sumimangot.

"E di umalis ka!" singhal ko. "Bakit ka ba sunod nang sunod?! Alam mo naman palang gano'n ako! Alam n'yong lahat pero walang nagsasabi sa 'kin na alam n'yo lahat!"

I always thought it was only me and my parents who knew the truth about where I came from. Kung sino ang mommy ko.

Akala ko iniisip ng buong pamilya na real akong family nila pero ngayong nalaman kong alam nila... were they thinking the same thing as those bullies?

Tinatawanan din ba nila ako kasi ampon ako? Na wala akong tunay na mommy at daddy?

"You were just a kid—"

"I am not a kid!" singhal ko. "You're only a bit older than me but you knew! T-tapos ako... tapos walang nagsabi sa 'kin na alam n'yo..."

"Sasabihin naman ni Tita," paliwanag niya. "Kami ng kambal ko, alam namin ang totoo kasi s'yempre, mas matanda kami sa 'yo. Naabutan ka namin pero sasabihin naman ni Tita na alam namin sa 'yo. Maybe she was just waiting for the right time—"

"Right time? Right time na ano? N-na malaman ko sa iba?!" Galit kong hinawi ang luha.

"I knew they had a reason for doing so," he explained, but I was standing on my feet and smacking my skirt clean.

Masakit ang tuhod ko sa sugat. Nararamdaman ko ang kirot at ang paghulog ng dugo sa balat pero wala na akong pakialam.

Aalis ako! Lalayas na ako! Hindi naman nila yata ako mahal!

Nagmartsa ako paalis pero mas nangibabaw ang kirot sa tuhod ko sa nangyaring iyon. Muntik na akong mawalan ng balanse. Inangat ko ang kamay para maghanap ng makakapitan bago pa ako tuluyang bumagsak nang may humawak sa kamay ko.

Napatili ako, kumapit sa humawak pero nahila ko lang siya kasama ko sa halip na makakuha ng balanse. Nahulog ang katawan ko sa semento, alam na tatama ang ulo ko at baka mamatay na lang pero 'di ko naramdaman iyon nang sa halip ay sa malambot na palad 'yon tumama.

Suminghap ako, naramdaman ang mabigat na katawan sa ibabaw ko at nagkatinginan kami ng lalaki. Mas napansin ko ang malalim at asul na asul niyang mga mata.

Withered RosesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang