Chapter 24: Her father

Start from the beginning
                                    

Hindi ko pa din talaga maintindihan kung paano nangyari na magkapatid sila Cloud, Keila at Dana. Pangalawang pamilya ba ni Tito Travis sila Tita Mae? pero alam ko simula nuon hanggang ngayon magkasama pa din si Tito Travis at Tita Danica. O baka naman, ibang pamilya ni Tito Travis sila Keila? Naguguluhan pa din ako. Wala naman nasabi sakin si Keila about sa Papa niya. Sana lang hindi kabit ni Tito Travis si Tita Mae dahil madaming masasaktan isa na duon si Dana at Keila.

"Travis, I think that's not a good idea." Sagot ni Tita Mae. "You know our situation."

"Excuse me lang po, mag rest room lang ako." Singit ko. "Keila saan ang CR?" Bulong ko kay Keila.

"Diretso tapaos kaliwa." Sagot niya.

Nagmadali akong umalis. Hindi naman talaga ako gagamit ng rest room. Alam ko kasing may gusto silang pag-usapan na sila lang at wala ako. Dapat pala hindi na lang talaga ako sumama. Pero, nakakataba ng puso na naisipan ni Keila na isama ako sa family dinner nila. Ibig sabihin ba non, importante na ako para sakanya?

After five minutes bumalik na din ako. Mukhang tapos na nilang pag-usapan ang dapat nilang pag-usapan. Malapit na din kaming matapos sa kinakain namin.

"Kean, pwede ba kitang makausap sa labas?" Tanong ni Tito Travis. Kinabahan ako bigla.

"Papa, uuwi na po si Kean." Sambit ni Keila.

"Okay lang Keila, maaga pa naman eh." Sambit ko. Mukhang nag aalala sakin si Keila kaga nginitian ko siya. "Kailangan kong magpaalam sakanya, para kapag nakapag move-on ka na at liligawan na kita, okay na ang lahat. Well, si Cloud na lang pala ang problema." Pareho kaming natawa. Nagpaalam ako sakanya.

Sinundan ko si Tito Travis sa labas. Umupo kami sa maliit na table sa garden nila. May dalawang bote na ng beer duon. Mag iinuman pala kami. Mukha g seryoso ata ang pag-uusapan namin.

"Hindi ko alam na dito pa talaga tayo magkikita ulit, Kean." Bungad niyang sabi. "Ang litt naman talaga ng mundo."

"Hindi ko po maintindihan, ibang pamilya niyo ba sila Tita Mae?" Tanong ko. "Paano sila Dana?"

"Komplikado ang sitwasyon namin. Wag ka na lang makialam Kean. At wag na wag mong sasabihin 'to kay Dana." Seryoso niyang sabi.

"Bakit hindi?" Pag-uusisa ko.

"Hindi pa nila alam ang lahat ng tungkol dito kaya hindi nila pwedeng malaman sa iba 'to. Naiintindihan mo?"

"Niloloko niyo sila. Masasaktan si Tita Danica at si Dana sa ginagawa niyo, pati sila Keila. Alam ba nilang may pamilya na kayo sa iba? Anong klase kayo?" Inis kong tanong. "They deserve to know."

"I will tell Danica about it pero kailangan ko lang ng oras. Mae, Keila and Cloud knows all about it."

Alam nila? Hindi ba nasasaktan si Keila dahil sa pangalawang pamilya lang sila ng Papa niya?

"You better say it as soon as possible dahil mas masasaktan lang si Tita Danica at si Dana kapag pinatagal niyo pa 'to."

"Why do care so much for Dana? I thought you love my other daughter, Keila. Balak mo ba silang pagsabayin ha?" Ang sama ng tingin niya sakin.

"Wala ba po akong kinalaman kay Dana, Tito. Magkaibigan na lang po kami." Sagot ko. Kinuha niya ang bote ng beer niya at uminom siya na halos maging kalahati na ang bote. "Tito, si Keila po 'yong mahal ko."

"Paano naman si Dana? Mahal ka pa niya." Matahimik ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Baka kasi magalit siya sa sasabihin ko. "Kean, pareho kong anak si Keila at Dana at kapag nalaman ni Dana na si Keila na ang mahal mo baka magalit siya sa sarili niyang kapatid dahil lang sa isang lalaki. Ayokong mangyari 'yon."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now