CHAPTER 32.2

134 15 0
                                    

KHYZIO'S POV

A flashbacks....

Gaya ng inaasahan ko talagang may maling mangyayari sa pageant na iyon ngunit hindi ko inaasahan na gano'n katindi ang gagawin nila. Luckily I saved Shairylle from those angry stupid person. Kung makapanglait sila akala mo naman talaga perpekto ang pagmumukha nila. Kung hindi lang nila alam mga mukhang hito sila.

“I am not joking, Shai. What if I know you since before?” Seryosong ani ko.

“Tse! Paano mo naman ako makikilala sa... sa gano'ng hitsura ko, eh hindi nmana tayo magkaibigan dati 'no! Pero, thank you na rin kasi napasaya mo ako ngayon. Natutuwa lang ako na ikaw ang sumagip sa akin kanina habang gusto na akong patayin ng maraming tao.” Nakangiting sabi niya, alam kong peke ang ngiti na 'yon.

Matagal na tayong magkasama, Shai. Hindi na ako maloloko ng mga ngiti mo. Alam ko kung masaya ka o pinipilit mo lang na maging masaya sa harapan ko.

“Ginawa ko lang kung ano ang dapat.” Tanging naisagot ko.

Tumayo siya sa harapan ko. “Naiintindihan ko na kung bakit bigla na lang nawala ang nararamdaman mo para sa akin, Khyzio at hindi kita masisisi sa part na 'yon.” Tumingala ako upang tignan siya, naguguluhan ako sa sinasabi niya.

“What do you mean?” I asked. She's expecting me to ask that thing.

“Kung na-aalala mo noong nakita niyo ako sa locker 'di ba may pabango kayong naamoy no'n?” I nodded. “Kumuha ako ng potion sa mangkukulam na kayang makuha ang atensyon ng crush ko. Nakalimutan ko na kung sino ba 'yong crush ko na 'yon. Binigyan niya ako ng halimuyak ng pag-ibig daw 'yon na kayong dalawa ang nakasinghot.” Panimulang kuwento niya. Matiim naman akong nakikinig sa kaniya na may halong pagkagulo sa utak ko.

“Ibig sabihin ba no'n nagagandahan ako sa'yo dahil sa ginamit mong pabango? What if I told you that I already like you before that? Would you believe me?” Magkakasunod na tanong ko.

She nodded. “Maniniwala ako dahil nalaman ko kahapon lang na mali pala ang binigay na potion sa akin no'ng mangkukulam. Ang binigay niya pala sa akin ay sumpa ng halimuyak. Where in, the person who likes you will saw all the negative flaws on your body. Staring from the insecurities down to negative thoughts. Ang sabi niya ginagamit daw 'yon para ma-test kung gaano ka-sincere ang isang tao sa'yo at kung gaano ka kahalaga sa kaniya.” She paused.

“Sa inyong dalawa ni Jacob ikaw ang sumuko sa akin. Ibig sabihin lang no'n sa'yo umepekto ang potion na 'yon. Kaya, naiintindihan ko kung bakit gano'n na lang kadali sa'yo na bitawan ako. Iyon ay dahil... hindi talaga sincere ang nararamdaman mo sa akin at ang potion na 'yon ang patunay sa lahat.” Deretso siyang nakatingin sa mukha ko. Bawat salitang binibitawan niya, hindi ko matanggap. “I know you can't fight against my parents and I will understand you decision to leave me. Now, I finally accepting your farewell.” She said.

Lahat ng sinabi mo mali. Hindi kita sinukuan at never kong tinangkang na hindi ipaglaban ka sa magulang mo. I did this because they threatened me with your life. Napakahalaga mo sa akin, Shairylle. Uulitin ko ito palagi sa'yo kaya handa akong gawin ang lahat huwag ka lang nilang saktan. You are my world and I can't afford to lose my word.

Natahimik ako. Gusto kong kontrahin lahat ng sinabi niya. Bumuntong-hininga ako bago ngumiti sa kaniya.

“Mabuti naman naintindihan mo na. Though, I don't know about what you did gusto ko lang ma-realize mo na hindi lahat ng tao tatagal sa'yo and thank you for saying that to me. I actually tried to understand you more pero talagang tinutulak na ako ng sarili ko na sukuan ka na.” Pagkukunwari ko kahit ang totoo naman hindi iyan ang nararamdaman ko.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now