CHAPTER 30

118 14 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Nang dahil na rin siguro sa sobrang pagod hindi ko namalayang nakatulog ako sa kotse. Mabuti na lang hindi ako nakatulog habang nagmamaneho. Sayang naman ang ganda ko kung mamamatay lang ako bigla. Ay, nakalimutan kong surgery lang pala ang ganda ko. Wala pala akong dapat ipagmalaki.

Binaba ko ang bintana ng kotse at tinignan ang paligid kung nasaan na ako. Malapit na 'to sa bahay nila Halleina. Kakapalan ko na ang mukha ko, doon muna ako makikitulog. Siguro naman hindi magagalit si tita sa akin dahil siya ang nag-design ng wedding gown ko pero hindi ko sinuot. Pinaandar kong muli ang kotse at nagmaneho papunta sa bahay nila. Huwag sana akong itaboy ng huling pag-asa ko. Kay tita na lang ako umaasa. Kapag tinaboy pa niya ako wala na akong ibang pupuntahan. Wala akong pera, wala rin akong kakilala na iba. Kung mayroon man baka ipagkanulo pa nila ako kayla mommy.

“Kuya, nandiyan po ba si tita?” Tanong ko sa kuyang guard na nagbabantay ng gate.

“Nandito po, ma'am itatawag ko lang sa taas na nandito ka,” sagot nito sa akin. Tinanguan ko naman siya.

Matyaga akong naghintay hanggang sa makabalik ang guard at papasukin ako. Nang maiparada ko na ang kotse ko, dala ang susi pumasok ako sa loob ng mansion nila Halleina. Katahimikan ang bumungad sa akin. Ganito pala katahimik kapag wala ang anak niya. Tuwing nandito si Halleina napaka-ingay ng bahay na 'to. Pati mga katulong hindi matahimik sa stress dahil sa kaniya. Sobrang lively ng bahay nila unlike sa amin na akala mo palaging may lamay dahil nakabusangot ang mga tao 'pag dating ng bahay hanggang sa pag-alis.

“Shairylle... iha!” Gulat na bati sa akin ni tita, pababa siya ng hagdan.

I smiled a little. “Tita...”

“A-Akala ko kung sino!” Lumapit siya sa akon sabay hinawakan ang balikat ko. Sinuri niya ang buong katawan ko. “Ayos ka lang ba? Mukhang hindi ka ayos, ah! Tignan mo ang hitsura mo! What happened to you?!” Sunod-sunod na tanong niya.

Sa hindi ko malamang dahilan, bigla ko na lang niyakap si tita. Nagkusa ang katawan ko na tila ba naghahanap na naman ng karamay at si tita ang nahanap ko. As I hugged her tears started falling from my eyes. I cried so loud that everyone inside the mansion can hear me. I don't care! Ang gusto ko lang ilabas ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang na mabawasan ang bigat na pinapasan ng dibdib ko.

“S-Shai...” She called my name with shock.

“Tita... c-can I hug you for a moment, please? Gusto ko lang po ng karamay, please?” I pleaded. Mariin kong pinikit ang mata ko.

“S-Sure! Y-You can!”

“Tita...” Panimula ko. “Niloko nila ako! Lahat sila niloloko lang ako! Hindi ako tunay na anak ni mommy at daddy! H-Hindi talaga ako m-mahal ni Jacob... g-ginamit niya lang ako para makuha ang s-shares na ibibigay sa kaniya ng daddy niya! Tapos... iyong taong mahal ko nalaman kong niloloko lang din ako! Lahat sila niloloko ako! Lahat sila gustong saktan ako!” Sumbong ko. I can't control my tears anymore. Tita remained silent as if she's letting me say what I want to say.

“T-Tita, b-bakit ang malas ko? Bakit ang malas-malas ko? T-They all hate me! They don't love me!” My voice shattered as I said those words. It's literally comes from my heart. Describing the pain that I got. “S-Sabi nila m-mahal nila ako. Sabi nila importante ako sa kanila... pero bakit?! Nakakainis sila, tita! Lahat sila! M-Minahal ko naman sila ng buo pero bakit trinato nila akong tau-tauhan? B-Bakit parang kasalanan kong nabuhay ako? H-Hindi ko naman po gustong mabuhay, hindi ko po gusto kung ganito pala kasakit ang mabuhay!”

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now