CHAPTER 21

93 9 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Matapos ang huling pag-uusap namin ni Bekay sinubukan ko ng mag-focus sa pagti-training ko. So far, naging maayos naman dahil nagkaroon ako ng maraming improvement.

“So far, so good. Malaki na ang improvement mo kumpara noong mga nakaraang araw. 3 days na lang pageant na. May nahanap na akong makeup artist for you,” sabi ni Colleen na ngayon ay nakatayo sa harap ko. Ako naman ay naka-upo habang tinatanggal ang sandals ko.

“Thank you talaga sa pagtulong sa akin, ha. Hindi ko alam paano ako magpapasalamat sa'yo.” Nakangiting sabi ko sa kaniya.

“Tss! Wala 'yon! Uminom na lang tayo kapag natapos na ang pageant. Wala na akong pake kung manalo ka o hindi ang mahalaga maging malakas ang loob mo kapag na sa stage ka na.”

I sighed. “Siguro naman kaya ko na. Kinakabahan na lang ako sa mga question and answer.” Mahina pa naman ang ulo ko kapag biglaan.

“Kaya mo 'yan naniniwala ako sa'yo!” Sabi niya upang palakasin ang loob ko.

Napangiti na lang ako. Simpleng salita lang pero nadadagdagan ang lakas ng loob ko. Pareho na sila ni Jacob na palaging na sa tabi ko. Hindi na kami magka-pareho ni Jacob ng schedule pero nagagawa niya pa ring puntahan ako para sabayan akong mag-lunch. Nakakatuwa nga ang effort niya. Akala mo hindi siya busy'ng tao kung magpagala-gala sa school. Wala na rin akong naging balita kay Bekay. Madalas nga lang siyang itanong sa amin ng mga prof dahil hindi na siya pumapasok. Nangako akong wala na akong pake sa kaniya kaya naman hindi na ako nag-abalang alamin kung nasaan siya.

“Tapos na training mo?” Bungad na tanong sa akin ni Jacob nang makalabas ako sa pinto. Kasabay ko na ring lumabas si Colleen.

Ngumiti ako at tumango. “Katatapos lang. Ikaw, anong ginagawa mo rito?” Balik tanong ko sa kaniya.

“Obvious naman, tanga! Ikaw ang pinuntahan niya rito!” Nasabihan pa nga ng tanga, amp.

“Ang hilig mong manabi ng tanga!” Nakangusong reklamo ko.

“Bakit? Hindi ba?”

“Konti lang naman, eh!”

“Tanga ka pa rin!” Talaga 'tong babaeng 'to ang sarap yakapin sa leeg.

“Tama na nga 'yan kayong dalawa talaga. Kumain na lang tayo, libre ko na.” Nakangiting yaya sa amin ni Jacob.

Nagkatitignan naman kaming dalawa ni Colleen. Sabay kaming napangiti.

“Tara na!” Sabay na sagot namin tapos tumawa.

Wala naman sigurong tatanggi kapag libre 'no? At saka, nwgtitiis kaya akong kumain ng konti dahil sa pesteng pageant na 'yan. Babawi ako ngayon ng marami tapos maggi-gym na lang.

Nagtungo kami sa isang samgyup na malapit lang sa school. May afternoon class pa ako kaya hindi ako pa ako p'wedeng umuwi. Isa pa sa magandang nangyari sa akin hindi na mahigpit ang parents ko. Malamang nalaman na nila ang tungkol sa paglayong ginagawa ko kay Bekay. Kung wala naman silang alam hindi naman nila ako hayayaang magliwaliw lang. Ayos na rin siguro ang ganito. At least hindi ako nahihirapan na takasan 'yong mga bantay ni mommy.

“Bawal kang kumain ng marami may inaalagaan kang diet!” Saway sa akin ni Colleen nang makitang marami akong nilalagay na pagkain sa plato ko. Hindi lang basta samgyup ang meron dito. Para rin siyang buffet na kuha all you can basta magbabayad ka ng 1,500 pesos.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon