CHAPTER 20

94 10 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Ilang araw na, ilang araw ko ng nakakasalubong si Bekay pero iniiwasan niya ako. Palagi ko siyang nakikitang may mga kasamang babae. Kung sino-sino na lang. Binansagan na siyang womanizer sa school. Sikat na siya sa campus sa pagiging gano'n niya. Sinusubukan ko naman siyang kausapin pero hindi na ako makalapit kapag nandiyan na siya. Minsan kusa siyang lumilihis o hindi naman kaya dudumugin siya ng magagandang babae.

“Ilang araw mo ng sinusubukan na kausapin siya sumuko ka na kaya?” Mukha bang na sa vocabulary ko ang pagsuko?

Nakaabang ako ngayon sa kung saan madalas dumadaan si Bekay. Kasama ko naman ngayon si Colleen. Hinila ko siya para tulungan akong itaboy 'yong mga babaeng umaaligid sa kaniya. Pinilit ko lang talaga siyang gawin ang bagay na 'yon para sa akin. Nangako kasi akong last na 'to ngayon. Ilang araw na akong hindi makapag-focus sa training ko. Naiinis na raw siya dahil parang nakalutang sa alapaap ang utak ko.

“Hindi ako titigil hangga't hindi niya ako kinakausap ng maayos.” Mariin na sabi ko habang humahaba ang leeg ko sa katitingin sa daan.

“Akala ko noon ako na ang pinaka-martyr na babae sa mundo may mas malala pa pala sa akin. Andiyan naman si Jacob ayaw mo sa kaniya. Kahit ayaw mo nga siyang makausap gumagawa pa rin siya ng paraan.” Naiiling na aniya.

Tumingin ako sa kaniya sabay irap. “Si Jacob ang dahilan kung bakit ayaw itrato ng magulang ko ng maayos si Bekay. Nagagalit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya at mawawala lang ang galit ko kapag tinulungan niya akong ayusin lahat 'to!” Kung hindi siya nagsumbong ng mali hindi sana ganito ang mangyayari.

“Ewan ko sa'yo bahala ka.” Pagsuko niya.

Nakarinig ako nang ingay mula sa grupo ng kababaihan. Mukhang ayan na siya. Niyugyog ko si Colleen habang ang mata ko ay nakaabang kay Bekay. Last na 'to. Kapag ayaw mo pa ring makinig hindi na kita pipilitin.

“Ano ba?! Yugyog ka nang yugyog!” Pikon na anas niya.

“Andyan na kasi siya! Ayan na, oh!” Nakaturo ang ngusong sabi ko.

“Oo na! Ako na ang bahala!” Umalis siya sa tabi ko.

Kahit naman masama ang ugali ni Colleen maasahan naman siya. Kung hindi siya pinadala ni Bem para sa akin hindi ko malalaman kung ano ang totoong ugali niya. Marahil gaya ng iba, nabulag lang din siya sa sobrang pagmamahal niya noon. Hindi ko naman siya masisisi dahil sabi nga nila, ang pag-ibig tunay na nakakabaliw. Nakikita ko nga ang sarili ko sa sinasabi nila.

Pinagmasdan ko ang gagawin ni Colleen kung paano niya itataboy ang mga babaeng na sa paligid ni Bekay. Ang akala ko makikipag-away siya pero laking gulat ko dahil binulungan niya lang si Bekay, kusa na nitong tinaboy ang mga babae. Ano kayang sinabi niya? Itatanong ko na lang sa kaniya mamaya. Nang makaalis ang mga babae, sinenyasan niya ako na lumapit. Bumaba na rin siya ng hagdan.

Tila natuod naman ako sa kinatatayuan ko. Ngayon nag-aalangan na ako kung ihahakbang ko ba ang paa ko palapit kay Bekay o tatakbo na lang ako dahil natatakot akong masaktan na naman. Bahala na. Sa bandang huli, kagustuhan ko pa rin ang nanaig. Dahan-dahan lang akong naglakad palapit sa kaniya. Nakatungo akong tumayo sa harapan niya. Bigla na lang sumikip ang dibdib ko.

“May sasabihin ka ba? Nag-effort ka pa talagang magpatulong kay Colleen na itaboy 'yong mga babae.” Nahihiwagahan ko ang pagiging sarcastic sa tono niya.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now