CHAPTER 32.1

111 13 0
                                    

KHYZIO'S POV

A flashbacks....

“Sino ka?” Mataray na tanong sa kaniya ng babaeng nakayapos sa akin. I hired them to act with me.

I made up my mind. I'm willing to sacrifice my happiness for her safety.

“Huwag ka ngang humarang sa daan!” Pagtataray pa ng isa.

“Oo nga! Bakit ganiyan ang titig mo sa amin? Mukha ba kaming may ginawa sa'yo?” Dagdag naman ng isa pa.

Alam kong nasasaktan si Shai kaya pinili kong iwasan ang mga mata niya. Nakasulat sa mata niya kung gaano siya nasasaktan sa nakikita niya ngayon.

“Don't be afraid she's a friend of mine. Ganiyan lang talaga siya tumingin kapag may mas maganda sa kaniya.” Malamig na sabi ko kunwari.

I'm sorry, Shairylle! I'm so sorry!

“Ano bang—” I cut her off.

“Good to know magaling ka na. Sabi ng mga magulang mo nagkasakit ka.” Pinanatili kong malamig ang aking boses upang hindi mahalata ang pangungulila ko sa kaniya.

Deep inside, I want to hug her. I want to check everything para makita kong safe siya. Wala akong magawa ngayon kung 'di tignan lang siya ng malamig na titig.

Ayaw ko ng ganito parang dinudurog ang puso ko...

“May sasabihin ka ba? Sabihin mo na don't mind them.” Dagdag ko pa.

Her eyes are about to cry, damn it!
Don't cry, my dear! Please! Huwag kang iiyak sa harapan ko, Shairylle.

“Gusto ko lang mag-sorry dahil—” Muli ko na namang pinutol ang sasabihin niya sabay iwas ng tingin. I can looked into her eyes straight. Para akong hinihila nito papalapit sa kaniya—upang yakapin siya.

“Pinatawad na kita, p'wede ka ng umalis.”

Leave me, Shai. Leave now! I don't want to hurt you, please!

Her forehead wrinkled. That those expression of her! “Hindi mo man lang ba pakikinggan ang gusto kong sabihin? I am here to explain my side, Bekay!” Giit na sabi niya.

Ngumisi ako kunwari. “Explain? No need. I think four days of waiting is enough. Nagsayang lang ako ng pera ko para ipagluto ka ng mga pagkain na gusto mo.” My voice are about to lose. Hindi ko nanga alam kung narinig niya pa ang sinabi ko. Konti na lang mababasag na ito sa sobrang sakit ng sinabi ko.

I lied to her, I lied to myself!

“Pakinggan mo muna kasi ako!”

“Dapat ba kitang pakinggan? Ang sabi ng parents mo may sakit ka pero araw-araw na sa bahay niyo si Jacob. Anong ibig sabihin no'n?” Pagsisinungaling ko.

Umalis ka na kasi, Shai! Umalis ka na ayaw kong masaktan ka pa sa susunod kong sasabihin, please!

“Bekay, hindi naman—” Magsasalita pa siyang muli ngunit pinutol ko na para hindi humaba ang usapan naming dalawa. The more na may nasasabi ako sa kaniya, mas lalong sumasakit ang dibdib ko.

“Enough with that, Shairylle. Nagsisi ako na nag-effort ako sa'yo sa pag-aakalang ma-a-appreciate mo kahit konti. It turns out that you and your parents playing me,” pagalit na sabi ko. “Simula ngayong araw, wala na akong pake sa'yo. I am now cutting my connection to you, Shairylle Dhim Flores. Nagsisi ako na nakilala kita.”

CURSE OF SCENT (BOOK 2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن