CHAPTER 9

126 14 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

I frowned as looked at the person in front of me. Ano na namang kagagahan ang naisip ng lalaking 'to at nagbihis bakla na naman? Nakatitig lang ako sa kaniya habang nakatayo siya sa harap ng pinto ko. Hinatid siya ng mga katulong dahil wala naman sila mommy. Kapag nalaman ni mommy na pumunta na naman si Bekay dito panigurado magagalit na naman sa akin 'yon. Iisipin no'n na nagpapapunta ako ng mga lalaki para gumawa ng kababalaghan kahit hindi naman talaga. Masyado silang walang tiwala sa akin.

Umiling ako ng ilang beses. Iniisip kong namamalik-mata lang ako pero hindi. Talagang si Bekay ang na sa harapan ko. May hawak na parang damit ang kabilang kamay niya—na sa loob pa kasi ng bag na cover nito. Ang kabila naman ay makeup kit.

“Ano ba?! Papapasukin mo ba ako o dito na lang ako?” Masungit na tanong niya.

“Nagtataka pa ako kung bakit ganiyan ang hitsura mo. Hindi ka naman na bakla, ah!” Sinusuri ko ang kabuohan niya.

“Tanga talaga! Kapag nalaman ng mommy mo na lalaki akong pumasok sa kuwarto mo anong iisipin niya? At saka nandito lang ako para ayusan ka! Ayaw kong magmukha kang tanga sa harap ng maraming babae doon mamaya lalo na sa harap ni Karen,” paliwanag niya sa akin. Gano'n pa man, hindi ko pa rin naiintindihan ang pinupunto niya.

Pinilig ko na lamang ang aking ulo at pinagbuksan siya ng pinto. Mamayang ala-singko pa naman ang simula nang party. Kailangan ko lang mag-ayos ng maaga dahil ang sabi ni Jacob susunduin niya raw ako. Hindi ko naman inaasahan na una pa palang dadating si Bekay kaysa sa kaniya.

“Umupo ka na roon sa harap ng salamin. May aasikasuhin pa ako after king ayusan kaya baka ma-late ako sa party,” seryosong sabi nito. Sinabi niya ang dala niyang damit.

“Ano 'yong dala mo? Dress ba 'yon?” Nakaturong tanong ko. Kanina ko pa gustong malaman.

Tumango siya. “Binili ko for you. Huwag ka na magtanong kung magkano. Price doesn't matter. What matter the most ay hindi mo maipahiya ang guwapo mong escort ngayong gabi,” sabi nito habang sinusuklay ang buhok ko.

Kakaiba siya nga. Seryoso ang kaniyang mukha. Hindi ko man lang siya nakitang ngumiti simula nang dumating siya ngayon. May problema kaya siya? Nag-aalala ako sa kaniya. Hindi ko pa nakakalimutan ang binulong niya sa tainga ko kahapon. Umaarte lang ako na walang nangyari para walang maganap na ilang sa pagitan naming dalawa.

Tinignan ko ang mukha niya sa reflection ng salamin. Ang guwapo niya tignan habang inaayos ang pagkakakulot ng buhok ko. Ang perfect talaga niya. Marunong magluto, malinis sa bahay, marunong mag-ayos ng babae, magaling pa sa fashion. Kahit sinong babae pangarap ang kagaya niya. Ang feminines niya masyado. Kaso hanggang ngayon pala-isipan pa sa akin kung paano siya naging lalaki na lang biglang ng hindi inaasahan.

“Bekay—I mean, Khyzio,” tawag ko sa kaniya mabasag lang ang katahimikang namumutawi sa buong kuwarto. Hindi talaga ako sanay na walang siyang sinasabi sa amin kapag ganito.

“Bakit?” Ang lamig ng tono ng pananalita niya. Parang wala talaga siya sa mood.

“Ayos ka lang ba? Napapansin ko lang na hindi maganda ang mood mo.”

“Ayos lang ako. Iniisip ko lang 'yong party. Mali-late ako kaya hindi kita mababantayan mamaya.”

“Sabi ko hindi mo ako kailangang bantayan hindi naman ako aalis sa tabi ni Jacob mamaya.”

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now