CHAPTER 3

266 20 1
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Malapit na ang birthday ni Halleina. Hindi na kami magkanda-ugaga kung anong ire-regalo namin sa kaniya. Mayaman ni Halleina hindi na niya kailangan ng mamahaling bagay. May acquaintance party pa na gaganapin kasama ang mga fourth year. Pinipilit nga nila kaming sumama ngunit tumanggi kami. Kahit nandoon si Adren hindi naman niya ako mapapansin sa maraming tao, wala ring silbi. Magaganda lang naman ang mga pinapansin niya, hindi ako maganda.

“Ano bang dapat kong i-gift kay Yena? Ito o ito?” Tanong niya habang hawak ang magka-parehong style ng chanel na bag. Magkaiba lang ang kulay.

“Bekay, kahit ano lang ibigay mo sa kaniya okay na 'yon! Ang mahalaga lang naman sincere ka.”

Tumango siya. “Tama ka nga naman. Bibilhin ko na lang lahat 'to!”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Akmang tatawag na siya ng saleslady ngunit agad ko siyang pinigil.

“Lahat?! As in lahat?! Huy! Isa lang hindi naman maraming tao si Halleina!”

“Ang hirap kasi mamili!” Pinout niya ang kaniyang nguso.

“Ito!” Dinampot ko ang kulay itim. “Bagay sa kaniya 'to. Magaling siya magdala ng ganitong damit.” Napi-picture out ko si Halleina kapag ganitong bag ang dala niya. Ang sosyal niya tignan.

“Okay! Ito sa'yo!” Inabot niya sa akin ang kulay puti.

“A-Akin?” Hindi naman ako humingi sa kaniya ng ganito, oh.

Tumango siya. “Isipin mo na lang reward ko 'yan kasi tinulungan mo ako.” Umalis siya sa tabi ko at nagpunta sa counter.

N

aiwan akong tulala habang hawak ang bag na binigay niya sa akin. Ngayon lang naman kasi nagbigay sa akin si Bekay. Sa ilang taon ng pagiging magkaibigan naming dalawa ngayon lang talaga siya nagbigay sa akin ng gamit. Palagi niyang sinasabi na nagta-trabaho siya kaya ayaw niya manlibre tapos ako naman daw mayaman kaya siya na lang ilibre ko kaya.... bakit niya ako binigyan?

“Huy! Ano na, 'te?!” Inagaw niya sa akin ang bag. “Akin na nga 'to, hmp! Ang tagal kumilos!” Aniya sabay umalis na naman.

Sinundan ko siya ng tingin ng may pagtataka. Walang nagbago sa kilos at pananalita niya pero may nagbago sa ugali niya. Naki-creepy-han ako sa pagiging clingy niya. Tumatalab na ba ang potion sa kaniya? Naku, hindi! Hindi p'wede!

“Huy! Tara na! Kanina ka pa tulala kaloka ka! Ano bang iniisip mo, ah? Si Adren na naman? Naku! Manahimik ka diyan! Hindi ka na nga pinapansin iniisip mo pa!” Siniringan niya ako.

“Hindi, ah!” Tanggi ko. Hindi naman talaga. Siya kaya ang iniisip ko.

“Oh, sino? Huwag mong sabihing ako? Asus! Bakla, huwag kang ganiyan kadiri ka!” Kinikilabutang sabi. May lahi bang manghuhula ang lalaking 'to?!

“H-Hindi rin! Bakit naman kita iisipin, dzuh?! Ang iniisip ko lang kung anong isusuot ko sa birthday ni Halleina ayon!” Dahilan ko sana naman makalusot ako ngayon.

“Tsk! Ayan lang naman pala hindi mo sinabi, hmp! I can handle you!” Hinila niya ako palabas sa store na binilhan namin ng bag at dila sa kung saan.

“Ako ang mamimili ng isusuot mo para naman may magkagusto na sa'yo 'no!”

“Hoy! Tingin mo sa akin walang nagkakagusto?!” Raulo 'to, ah.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz