CHAPTER 13

117 11 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Pangalawang araw na ngayon namin dito sa bundok and guess what? Kung anong task nila Jacob, sa amin naman napunta. Ang masama pa kami ang inatasan na maghanap ng panggatong sa gubat. Ano ba 'yong panggatong? Hindi ko rin alam kung anong hitsura noon. Anong malay ko hindi naman kami gumagamit ng gano'n. Nakikita ko lang sa mga bumalik kahapon may dala silang kahoy galing sa gubat. Ang konti lang naman ng mga kahoy na 'yon pero inabot sila ng sobrang tagal. Kailangan ko ba talagang maghanap ng kahoy kasama nila?

“Alam mo ba narinig ko lang, ha! Dito raw puwede kang bumili ng gayuma or lucky charm para sa taong mahal mo!”

“Oh, saan mo naman narinig ang balitang 'yan?”

“Diyan lang. Sabi lang nila. Na sa indigenous group of people ka, ang sabi ng mga teacher mag-ingat nga raw kasi p'wede kang gayumahin ng kahit na sino sa kanilang magkakagusto sa'yo!”

Pinagsasabi ng mga 'to? Bigla ko tuloy naalala 'yong makulit na mangkukulam. Kumusta na kaya siya? Nakabalik na kaya siya? Sana lang oo, kasi may mga gusto na akong itanong sa kaniya.

“Kayo talaga! Kung ano-ano ang pinapakalat niyong balita! Pero, sabi nga bago raw tayo umuwi magbebenta sila ng mga lucky charm, yieee! Bibili ako!” Kinikilig na ani ng isa.

“Tse! Kunwari ka pa na hindi naniniwala!”

“Ikaw, Shai? Hindi ka ba bibili ng gayuma?”

Kumabog ang dibdib ko sa tanong niya. What if I told you I already did? Nakabili na ako ng gayuma na useless naman. Nagsayang ako ng 100 thousand ko para sa gayuma na hindi naman tatalab sa taong magugustuhan ko. Mas tumalab pa sa taong may ex tapos gagamitin ako! Buhay ko nga naman palagi na lang complicated.

“Aish! Ano bang sinasabi mo?! Hindi na kailangan ni Shai ng gayuma 'no! Patay na patay na kaya sa kaniya si Jacob, yiee!” Kilabutan naman kayo sa mga sinasabi niyo! Ako na ang tinataasan ng balahibo.

Patay na patay sa akin 'yon dahil sa perfume na ginamit ko. Muntik ko na ngang makalimutan na ginamitan ko pala siya ng gano'n. Naalala ko pa 'yong confession niya. Sinabi niyang hindi niya alan kailan niya ako nagsimulang gustuhin. Ang alam niya lang sa paningin niya ako ang pinaka-magandang babae. Ang sabi ng mangkukulam makukuha ko ang atensyon ng unang lalaking makasisinghot noon. Hindi man mababaliw sa akin pero sa paningin niya ako lang ang maganda. Hindi ba masyadong accurate ang sign kay Jacob?

“Shai, tulala ka kanina pa.”

“H-Huh? Sorry, may iniisip lang. Bakit nga pala nandito ka?”

He smiled at me sweetly. “Nakita kasi kitang nakatulala lang dito sa isang tabi. Since tapos naman na akong magturo sa mga bata, pinuntahan na kita,” malambing na saad nito. Tila may pinunasan pa siya sa pisngi ko.

“Gusto ko ng umuwi!” Nakasimangot na saad ko.

“Uuwi naman na tayo bukas after ng medical. Nandito na rin naman sila Sir Alvin.” Wala naman akong pake sa mga 'yan!

Bumusangot na lang ako. Hindi naman niya naiintindihan ang gusto ko. He's just acting like he know me just because we are couple in front of everyone. He don't even know what I like and what I hate. He don't even have any idea on how to deal with me. Ang alam niya lang maging sweet sa akin kahit minsan wala na sa lugar. Pakiramdam ko pinarurusahan ko.

Is this my karma?

“Hay! Stop putting a long face, okay?” Pinisil niya ng mahina ang kabilang pisngi ko. “Anong gusto mo? Let me try kung kaya kong ibigay ngayon din.”

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Where stories live. Discover now