CHAPTER 16

114 12 1
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Kanina pa ang buga ko ng hangin. After the camping, 2 days lang ang pahinga namin tapos pasukan na ulit. Ang malala pa nalaman ko na pinapasundan ako ni mommy. Nakakatawa nga kasi secret spy ang hinire niya pero nalaman ko. Pake ko naman sa secret spy na 'yon. Basta kakausapin ko pa rin si Bekay. Kasalanan naman ni Jacob kung bakit naging gano'n na lang bigla ang tingin ng magulang ko sa kaniya. Gumawa siya ng kuwento! Alam niya ang buong pangyayari pero mas pinili niyang gumawa ng sarili niyang scenario masabi lang na masama ang ibang tao. Ayaw ko sa mga gano'n. Pulling others down para lang umangat.

Hell no!

Kaya hanggang ngayon hindi ko siya kinakausap. Magaling na ang paa ko kaya alam ko na paano siya iiwasan sa tuwing magkikita kami. Babaliktarin ko ang utos ni mommy sa akin ngayon. Hindi ako sasama kay Jacob pero sasama ako kay Bekay. Mabait naman ako at masunurin pero sa ibang paraan nga lang. Malaki na ako. Alam ko na ang tama at mali kaya huwag nilang sabihin sa akin na palagi akong mali.

Napakunot ang noo ko nang may malaglag na red card pagbukas ko ng locker. Dinampot ko iyon at tinignan ang labas. Walang nakalagay na pangalan. Ano naman kaya ito? Sa curiosity ko, binuksan ko iyon. May nakalagay na parang letter. Sino naman ang may gawa nito?

Boink, how are you? Don't you miss me? I am here. Ayan ang nakalagay sa letter pagkatapos sa ibaba ay may naka-drawing na ulo ng baboy. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang naka-address na name. Napalinga ako sa paligid sa pagbabakasali na makikita ko pa ang nag-iwan ng letter. Nandito na si Bem! Na sa loob siya ng school! Malapad akong napangiti sabay kagat ng aking labi. Kakaibang excitement ang nararamdaman ko ngayon. Binalik ko ang letter sa locker ko. Inipit ko ito sa isang libro bago muling isara at i-lock.

Na-miss ko na ang lalaking 'yon! Nasaan na kaya siya ngayon? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin? Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng excitement na makilala siya. Kung puwede lang sugsugin buong campus makita lang siya gagawin ko. Hahayaan ko na lang muna siya. Magpapakita rin naman siguro siya sa akin kapag dumating na 'yong oras na ready na siya. Kinakabahan ako baka hindi niya ako makilala o baka siya ang hindi ko makilala. Paano kung siya na pala ang mga nakakasalubong? Ang dami ko na namang overthink! Bakit kasi pa-letter pa?!

“Shai! Shai!” Ayan na naman siya mangungulit na naman! Binilisan ko ang lakad ko ng hindi siya nililingon.

Matapos ang sinabi niya kayla mommy nawalan na ako ng gana na makipag-usap sa kaniya. Hindi ko gets ang mga kilos niya. Nanira siya ng ibang tao. Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan niya ako sa braso at pihitin paharap sa kaniya.

“Shai naman!” Parang batang maktol niya sa harap ko.

“May kailangan ka ba?” Cold na tanong ko.

He sighed. “Iniiwasan mo ako. Ayaw mo na ba akong makausap? And where's the bracelet I bought for you? Sabi ko isuot mo 'di ba?”

Boss ka ba?

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. I gave him a cold glare.

“Ayaw kitang kausap, tama ka. After what you said in front of my parents sa tingin mo gano'n na lang kadali para sa akin na mapatawad ka? To make yourself a hero you need to pull Bekay's down just because he's now with us? Ikaw nga 'tong walang nagawa para sa akin tapos ikaw pa ang may ganang manira! About the bracelet...” I paused for a while. Dinukot ko sa bulsa ng bag ko ang bracelet at nilapag iyon palad niya. “Sa'yo na 'yan. Hindi ko kailangan 'yan.” Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon