"Boarding House"

14 1 0
                                    

"Pa'no yan, uwi muna kami. 'Di ka uuwi sa inyo?" Tanong ni Jessica. Nakagayak na rin, umaalingasaw ang cologne sa buong kwarto. Medyo basa-basa pa ang buhok at mabilisang tinali.

"Hindi e. Walang budget. Kakapadala ko lang last week..." sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa pocket book. Magdadalawang oras na kong nagbabasa. Dalawang oras na rin ang nakalipas mula nang magising ako sa mga kalabog ni Jessica.

Hindi pa ko bumabangon. Nakatambay pa rin ang muta sa kaliwang mata. Walang mumog. Walang almusal. Tinatamad pa kong kumilos kaya etong pocket book na lang pinagdiskitahan ko.

"Ikaw lang maiiwan dito. Babyahe na rin ata mamaya 'yang si Juliet..." pagpapatuloy niya. Hindi ako kumibo. Naramdaman ko namang parang nag-iba ng posisyon si Juliet na nasa ilalim ng double deck namin. Gising na rin ata.

Humarap si Jessica sa salamin saka naglagay ng pulbos sa mukha. Ginamit na naman niya yung pulbos ni Cherry. Walang kadala-dala talaga. Parang last week lang nagbabangayan na sila dahil naman sa lip tint.

"Uwi ka na 'te?" Tanong ni Juliet kay Jessica.Medyo paos pa boses. Gising na nga.

"Ay oo bunso. Matrapik na mamaya. Ayoko naman gabihin at madalang ang traysikel sa'min..."

Wala namang reaksyon si Juliet. Saglit pa, tumayo na rin ito, tiniklop ang kumot, tinali ang buhok saka kinuha ang mga pinatuyong underwear na nakasabit sa may bintana.

"Ikaw 'te? Kelan uuwi?" Tanong ni Juliet pagkalingon sa'ken. Hindi sana magtatama ang tingin namin kun'di ko lang napansin ang malaking sugat na nasa batok niya. Parang kalmot.

"Hindi. Dito lang ako. An'yare diyan sa batok mo?"

Napatingin din si Jessica kay Juliet. "Hala ka? Anong nangyari diyan?"

Napahawak sa batok si Juliet saka marahang hinimas-himas ang sugat. "Hindi ko nga rin alam e. Nung isang araw pa 'to. Pag gising ko meron na 'to.

"Baka tagyawat na kinamot?"

"Hindi 'te, grabe namang kamot 'to..."

Hindi na siya sumagot. Humarap na rin ako sa pader. Naaantala na pagbabasa ko. Nawawala na ko sa momentum.

Huwebes Santo. Maulap at medyo tahimik ang paligid. Mag-uuwian ang mga ka-boardmate ko ngayon. Si Cherry kahapon pa umuwi. Paalis na si Jessica, ewan kung anong oras naman 'tong si Juliet. Yung ibang mga katabing kwarto naman namin mukhang nagsipaguwian na rin. Mga gantong oras kasi maingay na sa labas. Ang bibigat ng mga paa.

Naiinggit ako sa kanila sa totoo lang pero wala na talaga akong budget. Kakahingi lang ni papa sa'ken, pampagawa daw ng traysikel. Pamasahe pa lang papunta sa'min gastos na. Pang-kain pa namin. Ilang araw lang naman kaming walang pasok. Sa Linggo lang may schedule na ko.

Apat kaming nagta-trabaho sa SM. Pare-parehong mga cashier. Mas nauna lang sa'min si Jessica ng ilang buwan. Halos kasabay ko naman sila Juliet at Cherry na parehong mas bata sa'ken.

"Sige nga mga mars at mauuna na ko sa inyo. Babush!" Saka mabilis na lumabas ng kwarto si Jessica. Sinundan naman siya ni Juliet na may nakasampay pang tuwalya sa balikat. Dahan-dahan sinara ang pinto.

Hindi ko na namalayan ang oras so sobrang pagka-busy sa pagbabasa. Mga ilang chapter na lang matatapos na ko. Saglit akong nag-unat-unat saka binunot ang charger ng cellphone. Sakto full charge na. Magbubukas sana ako ng data kaso naalala kong expired na pala data ko kagabi.

Lalabas na lang ako mamaya. Bibili na rin ng pagkain.

Itutuloy ko na sana ang pagbabasa ng makarinig ako ng boses. Parang tinatawag ako. Nung una hindi ko pinansin, baka guni-guni ko lang. Yung mga sunod na tawag sa'ken parang tinatawag talaga. Boses ni Juliet galing sa baba (nasa baba kasi ang common CR).

Ano na naman kelangan neto?

Bumangon ako. Hinawi ang kumot saka barubal na tinabi sa sulok. Dahan-dahang kinapa ng kanang paa ko ang hagdan saka dahan-dahan humakbang. Pagkalapat ng paa ko sa sahig bigla akong napasigaw nang may biglang humawak sa paa ko. Pagsilip ko si Juliet, takot na takot. Hinila niya ko sa tabi niya saka nagtago sa likuran ko.

"H'wag kang bababa, narinig ko din yun..."

Hindi naman ako nakakibo. Saglit kaming nakiramdam. Nang mahimasmasan at masigurong wala ng tumatawag tumayo na rin ako saka kinalma si Juliet.

Napaisip ako: hindi ko naman naramdaman o napansing bumalik ng kwarto si Juliet pagkalabas niya kanina.

Bahala na nga.

"Dito ka lang, bababa ako..." paalam ko. Tumango lang si Juliet saka nagtalukbong ng kumot.

Dahan-dahan akong lumakad. Hinanda ang sarli. Tapang-tapangan. Natatakot rin ako pero inisip ko na lang na hindi ako dapat matakot, maliwanag at maaga pa.

Binuksan ko ang pinto, dahan-dahan. Ready na sa kung ano mang bubulaga. Wala. Tahimik ang hallway. Walang tao. Napatingin pa ko sa dulong hallway papuntang kusina. Wala ring tao. Nakahinga ako ng maluwag-luwag. Pero hindi ako kumbinsido. Bumaba ako, dahan-dahang nilakad ang hagdan. Pagkababa, halos malaglag ang puso ko sa nakita.

Si Juliet! Nakasilip sa bandang labas ng pinto. Mabilis niya kong kinawayan. Nalilito man pero mabilis akong lumapit sa kanya.

"H'wag kang babalik dun. Narinig ko din boses niya..." bulong niya.

(Hindi orihinal na kwento. Galing sa tiktok. Isinalin lang sa kwento ng imahinasyon.)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shit, Ang Creepy Nun A?Where stories live. Discover now