"Mall"

8 0 0
                                    

AGA KO. 5:48 PM. As usual, late na naman si Monique. Sabi na e, hindi totoo yung 6 PM niya. Alam ko naman talagang paasa yung 6 niya, nagtanga-tangahan lang talaga ako. Asa pa talaga, puta.

Kahit kelan talaga. Kun'di late, sobrang late. Sa anim na beses naming pagkikita, siguro yung unang meet-up lang yung on time siya. Yung mga sumunod puro late na. Pasensya daw kasi kaka-out lang sa work. Pasensya daw kasi traffic sa Las Pinas. Pasensya daw kasi hindi agad nakasakay ng jeep. Naumay ako sa pasensya. Tangina kun'di lang siya chicks di ko naman siya titiyagain.

Dito ko siya kikitain sa Starmall ngayon. Nuod daw kami movie. Tutal first time namin manunuod ng movie ever since nagkakilala kami (nakilala ko lang sa fb), dito na lang din kami manunuod. Siya nag-aya, hindi ako. Sa megamall sana kami kaso malayo daw. Baka ma-traffic. Baka? Baka 'hindi' ma-traffic kamo. Kelan ba lumuwag ang EDSA? Alangan namang antayin ko pa laban ni Pacquiao para lang makapag-Megamall kami?

Walang okasyon. Walang may birthday. Walang kahit anong holiday. Basta nag-chat siya kaninang umaga na manuod daw kami ng sine, libre niya. Wag na daw ako magtanong kung bakit siya manlilibre. Since gusto niya daw panuorin yung bagong movie ng KathNiel, isama na daw niya ko, at tutal e puro kain at kwentuhan lang naman nangyayari sa pagkikita namin. Tinanong ko naman siya kung anong meron. Wala lang daw, gusto niya lang daw talaga magwaldas ng pera. Yabang ang puta, pa-sine-sine lang. E dahil off ko naman ngayon kaya timing na rin. Atlis may magagawa.

SAN KA NA? LAPIT NA KO. Message ni Monique. Kala ko di mago-online e.

Lapit na. Saan? Sa banyo? Tss.

Kanina pa ko dito. Bagal mu. Reply ko kahit nakaka-five minutes pa lang naman talaga ako nag-aantay. 'Sorry' lang reply niya na may kasamang smiley.

Pang-seventh na nga namin magkikita since nagkakilala kami. Hindi ko siya friend. Hindi ko siya kilala. Iisa lang ang mutual friend namin sa fb, yung katrabaho ko pa dati na hindi ko naman gano close. Ewan ko, wala akong magawa kaya in-add ko siya. Oo na, naging interesado ako kasi naman yung two-piece profile pic niya e ang lakas ng marketing. Kala ko nga hipon, tempura pala. Hindi lang sexy, may face value din. At hindi basta-basta ang background a? Graduate ng Perpetual. Nursing. Yayamanin.

Nangalay na ko kakatayo kayo umupo muna ko sa hagdan sa pinaka-entrance ng mall. Buti malamig yung buga ng aircon dito.

Naalala ko pa nun yung first time kong mag-wave sa kanya. Isang araw atang seen yun. Kinabukasan pa nag-wave back.

"Hindi ko alam kung effective pa ring intro ang hi pero since hindi naman tayo magkakilala e Hi na rin." Ganyan yung intro ko sa kanya. Sinundan ko lang ng smiley para mukhang friendly. Pagka-seen, nag-reply din naman agad.

"Ang haba naman ng intro mo sir. Pero hello na din." Insert smiley. Muntik ko na saluhin yung panga ko sa reply niya. Unexpected e. Isinantabi ko na yung salitang 'sir' kahit hindi ko naman siya su-sweldohan. Kala ko hindi ako papansinin. Akalain mong ni-reply-an ako?

"Friend pala kayo ni Zheal?" yung katrabaho ko dati ang tinutukoy niya na ni-rumble lang yung Hazel na name. Medyo boyish kasi kaya mas gusto niya Zheal itawag sa kanya.

"Workmate ko siya dati, hehe." Yun lang na-reply ko.

"Name mo ba talaga yan o acronym lang?"

"Vladimir talaga name ko. Pero pinapangunahan na kita a, wala akong lahing Russian. Trip lang ng mga magulang ko yan." VLDMR Siason kasi profile name ko. Inalis ko lang yung mga vowel. Wala lang. Pauso.

"Nyek, kaya pala." <smiley na iyak-tawa>

*             *             *

Alas sais na. Shitness overload.

Shit, Ang Creepy Nun A?Where stories live. Discover now