Chapter 20

109 6 1
                                    

"Bakit ka ba nagyaya mag club? Hindi ganito ang solusyon sa problema, Cherry!" rinig kong sigaw ni Alyanna habang nasa dance floor kami.


"Alyanna, mali ba ako?" mahina kong tanong sa kaniya at nakita ko ang mga mata niya na tila ba hindi alam ang isasagot. 


"Tama ang desisyon mong iwan siya, ang mali lang siguro ay yung umalis ka ng wala kang sinabihan ni isa sa amin," sabi niya pa.


"Nakita mo naman noon 'di ba, yung habang hinahatid ko kayo ni Reign sa airport?" tanong ko at tumango siya.


Nagulat ako noong biglaan niya akong niyakap.


"Naiintindihan ko lahat ng hirap mo, Cherry. Huwag na huwag mong iisipin na walang nakakaintindi sayo kasi hangga't nabubuhay ako meron," sabi niya pa kaya naman hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.


Umalis din kami ng dance floor at umupo.


"Nahirapan ka ba sa pagpapalake mo kay Shanelle?" tanong sa akin ni Alyanna at tumingin ako sa kaniya.


Ngayon ang unang beses na may nag tanong sa akin nito.


"Mabait na bata ang anak ko pero nuong nasa tiyan ko palang siya doon ako nahirapan kasi mag isa ako," sabi ko at ngumiti siya.


"Ikaw kamusta ka na nakabalik ka na?" tanong sa akin ni Alyanna.


"Ang tutuo, gustong gusto ko magalit kay Shan. Gusto ko maramdaman niya yung mga naramdaman ko pero nararamdaman ko na may pagmamahal parin ako sa kaniya," mahina kong sabi.


"Hindi naman nawawala ang pagmamahal, natatabunan lang siguro."


"Sinaktan niya ako," masakit ang puso ko habang sinasabi iyon.


"Gusto mo bang marinig ang mga explanations niya?" tanong niya sa akin at napa tingin ako sa kaniya habang nagddrink ng alcohol.


Hindi ko naisip na baka pwede ngang may mag bago kapag narinig ko lahat ng explanations niya sa akin.


"May alam ka ba?" tanong ko sa kaniya at tumango siya.


"Gusto ko kay Shan mo lahat malalaman," sabi niya pa.


"Pag naging handa na ako."


"Sige, mag CR nalang muna ako. Tumatawag kasi si Harvin, baka may kailangan nanaman?" natatawa niyang sabi kaya naman tumango nalang ako.


Habang umiinom ng mojito ay may nakita akong lalake na tinapunan ng tubig sa kabilang table kaya naman tinignan ko ito.


Marites ata ako??


"Kaya siguro nag close ang company mo! You don't knoe how to negotiate," narinig ko ang sabi noong babae.

Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now