Chapter 12

152 6 0
                                    

Pumasok parin ako sa kitchen at nakita ko ang gulat sa mukha ng mga babae na naroon.


"Miss Cherry, andito ho kayo?" sabi noong babae sa akin.


"Malamang, kompaniya ng asawa ko 'to," hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para sagutin ng pabalang ang mga naroon.


Nag madali ang tatlo lumabas pero bago sila tuluyang makalabas


"Hindi ko siya pinakasalan dahil bestfriend ko siya at lalong hindi kami pinilit," sabi ko at tumango ang tatlong babae.


Noong makalabas sila ay doon tuluyang tumulo ang mga luhang kanina pa gusto lumabas. Naguguluhan ako sa nangyayare, alam kong dapat may tiwala ako kay Shan pero nasasaktan parin ako. Ayaw kong maniwala sa sinasabi ng iba dahil alam kong mahal ako ng asawa ko pero gaano kamahal? Ang pagmamahalan ba namin ay ang puputol sa koneksyon nila ni Sera?


I Love him more than he do.


Nag timpla ako ng kape at dinala na iyon sa office ni Shan pero nagulat ako noong may iniinom na siyang frappe.


Kailan pa nagustuhan ni Shan ang frappe?


"Wifey," masaya niyang tawag sa akin.


"May iniinom ka na pala, nag timpla kasi ako," sabi ko pa.


"Ah yes Cherry, binili ko kasi ang frappe na iyan," sabat pa ni Sera sa usapan namin.


"Hindi kita kinakausap kaya huwag kang bumoses," nagulat si Shan at Sera sa inasta ko.


Binaba ko nalang ang kape sa lamesa ni Shan at hindi na tinignan ang dalawa bago ako umalis ng opisina.


Pag labas na pag labas ko ng opisina ay sumalubong sa akin si David na tila bang nauuulit ang nangyare noong mga bata palamang kami.


"SURPRISE, MY LOVE!" masayang masaya na pag sorpresa ni Shan sa kaniyang girlfriend na si Sera. 


16 palang kami pero kung maka asta ang bestfriend ko ay para bang mapapang asawa niya na si Sera.


Binigyang signal ako ni Shan na pwede na akong umalis ng villa noong naputok kona ang party popper kaya naman lumabas ako.


Pag labas ko ay nakita ko ang isa pang bestfriend ni Shan na si David.


"Bakit mo ginagawa iyan?" nagulat ako sa kaniyang tanong kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakaniya.


"Bakit mo tinutulungan si Shan kahit nasasaktan ka? Bakit tinutuloy mo pa rin siyang gustuhin kahit alam mo sa sarili mong hindi niya kayang suklian ang binibigay mo?" tanong niya uli dahilan para manubig ang aking mga mata.


"Alam mo?" kinakabahan kong tanong sa kaniya habang nanginginig ang aking mga kamay.


Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now