Chapter 15

136 5 0
                                    

Malake na ang tiyan ko dahil ilang buwan narin ako dito sa New York, palagi rito sina mommy at daddy para samahan ako pero agad umuuwi para raw hindi mahalata sa CG na tinago nila ako roon.


narinig kong kumukulo na ang tubig na pinakuluan ko para inumin kaya naman pumunta ako roon ng dahan dahan dahil natatakot ako na baka madulas ako.


Noong nakarating na ako ay pinatay ko na ang kalan at kinuha ang takure na kaagad korin nabitawan dahil sa init.


"Ouch," mahina kong daing dahil napaso ang kamay ko. Nakalimutan ko gamitin ang pot holder.


Hindi ko malinis ng maayos ang basa dahil hindi ko na kayang yumuko at hindi ko na kayang kunin pa ang takure na nahulog ko.


Palaging sumisipa ang baby ko kaya nasisiyahan ako kahit na minsan ay nasasaktan ako.


"Anak, anong pangalan ang gusto mo para kay baby girl?" tanong sa akin ni Mommy.


Hindi ako maka tingin ng maayos kina mommy dahil hinang hina ako, kakapanganak ko lang at nahirapan ako sa panganganak na nagkaroon ng kaunting komplikasyon habang nanganganak ako.


"Shanellerry," mahina kong sabi ko bago pumikit muli.


Nagising ako bigla dahil umiiyak ang baby ko kaya naman kinuha ko ang bottle nito para mag drink ng milk pero noong paiinumin ko na siya ay naramdaman kong mainit na mainit siya. Nag panic ako dahil hindi tumitigil sa pag iyak si Shanelle. Binuhat ko siya at lumabas kami ng bahay para maitakbo ko siya sa ospital. Gabing gabi na kaya wala ng mga taxi at ibang transportation dito kaya naman naiiyak ako habang pinupunasan ko ang pawis ng anak ko. Sinubukan kong pumara ng pumara sa bawat sasakyan na dumadaan, nagbabaka sakaling puwede kaming maihatid ni Shanelle sa pinaka malapit na ospital.


Mayroong tumigil na sasakyan at nakita kong si Joseph iyon, agad siyang bumaba ng sasakyan at inalalayan kaming pumasok sa kaniyang kotse.


"What happened?" tanong niya sa akin.


"Please help us, Joseph. Hospital, please!" umiiyak kong sabi at hindi na siya nag tanong pa, pina-andar na niya ang kaniyang kotse.


Noong dumating kami sa ospital ay lalong lumakas ang iyak ni Shanelle kaya naman pinapatahan ko ito habang chinicheck siya ng mga doctor.


"Are you okay, Ahtisa? Shanelle is okay, you can sleep now." sabi nito at umiling ako.


"I can't," sabi ko.


"I will look after her while you are asleep, you can lean on me." sabi niya at umiling akong muli.


"You're a mess, Ahtisa. Do you even know that you are not wearing any foot wear right now?" sabi niya saakin kaya naman napatingin ako sa paa ko na wala ngang suot.


Pinaupo niya ako sa upuan at lumuhod siya sa harap ko para ibigay ang sapatos niya sa akin.


Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now